Nagising si Sierra na mabigat ang katawan. Hindi naman namamaga ang mga mata niya pero sobrang sakit ng ulo niya.
Kahapon, may box na namang dumating para sa kanya. Ayaw niya din naman tanggihan si Mang Jacinto at baka magtanong. As of now, gusto niyang walang makaalam na may natatanggap siyang mga ganitong threats.
Kahapon, mga pictures pa rin ang nasa loob ng box. Kahit habang papasok siya sa building ng mismong apartment ay mayroong picture doon. Hindi siya mapakali at natatakot nang lumabas.
Gusto man niyang wag nalang pumasok sa trabaho pero hindi pwede at baka mag-alala sina Jax at Lily. Hindi niya ugaling umabsent sa trabaho at isa pa, tapos na ang day-off niya. Bukas, babalik na si Leonard.
Makikita na niya ito ulit. Sa isipin pa lang yun, hindi niya mapigilang mapaiyak.
Ano ba yan, umagang-umaga pa lang umiiyak na siya. Thinking about Leo, yun lang ang nagpapalakas ng loob ni Sierra. He's the only thought that is pushing her to stay brave.
The letters hit her so bad yesterday. May pictures ito ng papa niya. May larawan din ito ng Mama niya. Nakakapagod mag-isip ng mga dahilan kung bakit may gumagawa ng ganito sa kanya at kung sino nga ba ang nagpapadala ng mga sulat at litrato.
Kahapon, may isang sulat na nakalagay ang pangalan ng posibleng nagpapadala, Janine.
Wala siyang kakilalang Janine. Kaya mas lalong nalilito na siya kung sino nga ba ang totoong nagpapadala ng mga litrato.
Dahan-dahan bumangon si Sierra sa kama at mabagal na pumunta ng cr. Napatingin siya sa sarili. She looks obviously like a mess. Agad siyang napabuntong-hininga at nagsimulang buksan ang faucet nang biglang maramdaman ang napakasakit na kirot sa tenga niya.
Napaupo si Sierra sa sahig habang hinahawakan ng mahigpit ang tenga.
'Anong nangyayari?'
Ngayon lang siya nakaramdam ulit na ganoong kirot sa tenga niya.
Sobrang bilis ng tibok ng puso niya. Bigla siyang kinabahan at ang daming tanong na tumatakbo sa isipan niya.
Kakatapos lang ng check-up niya pero maganda ang resulta. Walang mali sa kondisyon niya at napakapositibo ng mga sinabi ni Dr. Ayka.
Ano kayang---
bigla niyang naramdaman ang pagvibrate ng relo indicating that Leo's calling her.
"Leo..." saka dali-daling kinuha ang hearing aid at sinuot iyon. Pinindot niya ang speaker ng telepono tsaka napahinga ng malalim ng marinig ang boses ng lalaki.
"Good morning love~" Napapikit si Sierra nang marinig ang boses ni Leonard na halatang nakangiti. Pinigilan niyang mapaiyak. Bumubuhos na naman ang mga alaala ng mga nangyayari sa kanya these past few days.
"G-good morning...love."
"Hi!... May problema ba Sierra? You sound... tired? Are you okay?" Napangiti siya dahil sa pag-alala nito.
"Ano ka ba, I'm just relieved to hear your voice. I miss you." Hindi ito sumagot sa sinabi niya.
"Konting tiis nalang love, makikita na kita bukas. I miss you so much it hurts Sierra." Then he sighed heavily. Ramdam ni Sierra si Leonard, siya mismo parang sasabog na ang puso kakaisip kay Leo. Gusto na niyang sabihin lahat ng mga nararanasan pero yun nga, ayaw niyang mag-aalala ito sa kanya. Lalo pa kapag nalaman nito ang nangyayaring mga pagpapadala ng mga unwanted gifts ng kung sino sa kanya.
She willed herself not to cry kahit nakakapagod. Gusto na niyang mayakap si Leo at makahinga ng maluwag pero isang araw nalang. Kaya mo 'to Sierra.
BINABASA MO ANG
𝙷𝚎𝚊𝚛 𝙼𝚢 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝 [𝙱𝚘𝚘𝚔 𝙸 & 𝙸𝙸]
RomanceIsang successful na CEO sa sarili niyang publishing house si Leonard Donovan. He's known for being strict, efficient, a perfectionist, and a cold-hearted person. Wala sa bokabularyo niya ang tamad, manloloko, at pag-ibig. He was shattered to pieces...