"Halika na." Nakalahad ang kamay ni Leo sa kanya na tinanggap agad ni Sierra.
Papauwi na sila ngayon, medyo late na sila kase ang daming trabaho.
"Okay lang ba ang likod mo?" tanong niya rito ng mapansin ang paulit-ulit na paghaplos ni Leonard sa balikat nito.
Kumilos siya at sinubukang hawakan ang balikat nito pero agad nitong hinawakan ang kamay niya saka yun hinalikan. Bumilis na naman ang tibok ng puso ni Sierra.
"Okay lang ako. Wag kang mag-alala." Sabi ni Leo sa kanya saka ngumiti.
Tinitigan ng mabuti ni Sierra ang mukha nito.
"Ang haba na ng buhok mo no?" Sabi niya maya-maya ng mapansin ang buong mukha nito. Iba rin talaga ang mukha ni Leonard. No wonder maraming mga nagkakagusto rito.
Noon, hindi niya pansin kase hindi naman siya yung tipong tumititig sa tao at tsaka nang-aanalyze ng mukha pero ngayong nakikita niyang ngumingiti si Leonard, hindi niya mapigilang mapahanga.
Naramdaman niya ang pagpindot nito sa tungki ng ilong niya.
"Bakit ganyan ka matitig sa mukha ko? Panget na bang tingnan ang buhok ko?" Sabi nito at agad na umiling si Sierra.
"Hindi ah. Ang layo kaya sa salitang 'panget' ng mukha mo." Bigla itong napatakip ng bibig.
"Anong problema?" Baka may sakit si Leo. Agad na nag-alala si Sierra pero ng makita ang mukha nitong napipigil lang pala ng pagtawa, nagtaka siya.
"Wag ka ngang magsalita ng ganyan, kinikilig ako." Napangiti si Sierra sa sinabi nito dahilan para magblush din siya.
Maya-maya,
"Pwede bang malaman kung bakit ka nagpasyang magpahaba ng buhok Leo?" Humigpit ang paghawak nito sa kamay niya.
"Sa totoo lang hindi ko alam. Well maybe nagsimula nung. . . nangyari yung tungkol kay Stella. . ."
Stella. Naalala niya yung pumunta sila galing kay Atty. Josh. Tama nga pala, yun nga pala si Stella, ang ex-fiancé ni Leonard.
Naramdaman niya ang pagkalabit ni Leonard sa kamay niya dahilan para mapatingin siya rito. Nagtama ang mga mata nila.
"I've moved on. Sa totoo lang ngayon ko lang siya ulit naalala dahil sa topic." Nakangiti nitong sabi sa kanya. Ngumiti si Sierra pero agad na pumasok sa isip niya si Stella at Leonard.
Hindi niya maimagine kung paano ang mga ito noon pero minahal ng totoo ni Leo si Stella. Ang sakit nga talaga ng ginawa nila kay Leo, hindi kayang isipin ni Sierra kung ano ang pakiramdam ng ganun.
"Hoy. . . alam mo namang---" napangiti siya ng magsimula itong mag-alala kaya hinalikan ni Sierra ang pisngi nito.
"Ang lakas mo. Hindi ko pa siguro nasasabi sa'yo pero ang lakas ng puso mo." Napatitig lang ito sa kanya at maya-maya pa ay agad na napangiti.
"Kung alam mo lang, napakahina ko noon. Isa ka sa mga dahilan kung bakit ako naging ganito kalakas Sierra. Ginamot mo ang puso ko di ba nga?" Sabi nito sa kanya at ang sarap pakinggan ng sinabing yun ni Leo.
Napapikit si Sierra ng hagkan nito ang noo niya.
"Mahal na mahal kita Sierra," bumilis na naman ang tibok ng puso niya.
"Mahal na mahal din kita."
. . .
Napasandal si Sierra sa sofa ng makapasok sa apartment. Napasapo siya sa ulo niya at pansin niyang mas madalas na ang pagsakit nito. Siguro dahil sa pag-iiba-iba ng panahon.
BINABASA MO ANG
𝙷𝚎𝚊𝚛 𝙼𝚢 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝 [𝙱𝚘𝚘𝚔 𝙸 & 𝙸𝙸]
RomanceIsang successful na CEO sa sarili niyang publishing house si Leonard Donovan. He's known for being strict, efficient, a perfectionist, and a cold-hearted person. Wala sa bokabularyo niya ang tamad, manloloko, at pag-ibig. He was shattered to pieces...