Book II - Chapter V

1.2K 33 15
                                    

Napaupo si Sierra sa sofa, kasalukuyan siyang nasa apartment at kagagaling lang sa kompanya.

Napatingin siya sa paligid at napabuntong-hininga.

"Miss ko na siya agad." It's hard to imagine na ganito na siya ngayon when before, hindi nga niya kayang magtiwala sa kahit sino maliban kay Jany.

Marami nang nagbago, and it is for the better. She's thankful for everything, she's thankful for him.

Leonard Donovan, ang boyfriend niya.

*blush*

"Hay, makapaghanda na nga lang ng hapunan."

Umalis na si Leo kanina papuntang Bohol. Hindi pa siya pinasama sa airport kase mas mamimiss daw siya nito. For the past four days, ginawa nila lahat ng gusto nila and obviously, it wasn't enough.

Naglaro sila ng chess and card games. She cooked few of his requested dishes. Nagbinge-watch ng Stranger Things na hanggang episode 5 pa lang ang napanood nila. Naging tambayan nila ang apartment ni Sierra and that's why it feels more lonely now in here.

OA man isipin pero nakakalungkot talaga. Kung noon, kapag nakakakita si Sierra ng katulad nilang couple, iisipin niya talagang overacting masyado pero ngayong nasa mismong sitwasyon na siya, totoo nga talaga. Wag nga talagang magsalita ng tapos.

(Though hindi naman siya bitter noon sa mga couples, wala lang siyang pakialam)

. . .

"Natatawa ako sa mukha mo Sie," nagvivideo call sila ni Jany ngayon. Kasama nito si Baby Alissa.

"Bakit naman?"

"Halatang miss mo siya," bigla siyang nahiya sa sinabi ng kaibigan.

"Ano ka ba, wag ka nang mahiya. Ganyan talaga yan, masanay ka na. Kami nga noon ni Carl, kahit dalawang araw lang na magkalayo, sobrang hirap na. Patunay lang na mahal na mahal niyo ang isa't-isa."

Napangiti siya sa sinabi ng babae. Nakatingin siya kay Baby Alissa na kinakain ang sarili nitong kamay, ang cute!

"Nakakapanibago lang kase palagi kaming magkasama tsaka biglaan kaya medyo. . . ganito. . ."

"Alam mo, ang cute niyong dalawa ni Leonard."

"Tumigil ka nga Jany," sabi niya rito nang maramdaman ang sariling pisngi na nagsisimula nang magblush. Tinawanan lang siya ng kaibigan.

"Anyway, sa susunod na araw ang checkup mo di ba?" Tumango siya.

"Ikumusta mo nalang ako kay Dr. Ayka ha?" Kaklase nito noon ang doctor na pupuntahan niya sa susunod na araw. Ito rin yung doctor na pinupuntahan ni Sierra kapag nasa Pilipinas siya noon.

"I will."

. . .

"Nakonakonakonako, ang mukha mo girl." Napatingin siya kay Jax. Nasa cafeteria sila ngayon, lunch.

Ngayon lang ulit sila nagkasama nina Jax at Lily sa lunch. Ang oras kase nila araw-araw, merienda time magkasama sila which is everyday pa rin naman at 10AM and 3PM tapos kapag lunch, sabay si Sierra at Leonard.

"Ang layo ng nilalakbay ng isipan mo Sierra, abot hanggang Bohol." Natawa siya sa sinabi ni Lily.

"Miss mo na siya girl? Ako miss ko rin si Zeke kahit nasa iisang building lang kami, ikaw Lilyhen? May namimiss ka?"

Sasagot sana si Lily nang magsalita ulit si Jax.

"---ay! Wala ka palang jowa no?" Saka tumawa ito. Loko talaga 'tong si Jax. Hindi napigilang mapatawa ng bahagya ni Sierra.

𝙷𝚎𝚊𝚛 𝙼𝚢 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝 [𝙱𝚘𝚘𝚔 𝙸 & 𝙸𝙸]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon