HMH - Chapter 36

1.2K 32 4
                                    

Chapter 36

"Good morning Sierra," bati ni Jax sa kanya ng madatnan ito sa cubicle niya. Galing siya sa opisina ni Leo at kakatapos lang nag-update ng schedules for the day.

"Good morning,"

"Kumusta?" Tanong nito. Alam niya na ang tinutukoy nito ay ang nangyari sa anniversary.

"He's okay and salamat sa pagtulong ninyo ni Zeke." Ngumiti ito pero nakatingin pa rin kay Sierra.

Napatingin din siya sa kaibigan at natatawa ng mabasa ang mukha nito.

"Jax... Alam ko yang iniisip mo. Ikaw talaga," napatawa ito.

"Ano ka ba. It's not my fault na I smell something fishy everytime na magkasama kayo. Ang lakas kase ng chemistry ninyong dalawa though pinakamalakas ang sa amin ni Zeke, pumapangalawa kayo." Sabi nito.

"Wala yan. Magkaibigan lang kami," hindi alam ni Sierra kung bakit medyo bumilis ang tibok ng puso niya nang sabihin yun.

'Kaibigan'

Magkaibigan naman talaga sila.

Naalala niya ang nangyari kahapon.
She saw the new side of Leo. Napakasweet, caring, vulnerable, betrayed, but he's still gentle towards her.

It made her happy that he seemed to be so comfortable around her to the point where he can show his true self to her.

"Yeah, yeah. I guess. Pero kapag naging kayo, ako ang president ng club niyo," sabi nito sabay tili.

Napailing nalang si Sierra.

"Ako ang vice." Napalingon sila sa nagsalita at nakita si Lily.

"Isa ka pa. Wala ngang kung anumang nangyayari okay? And it would be unprofessional to step on my boundaries as an employee. He's my boss. Our boss," nagkatinginan ang dalawang kaibigan.

Napatingin din si Sierra sa tinginan ng dalawa.

"Ano na naman yan?"

"So ibig sabihin," simula ni Lily.

"Kung hindi natin boss si Mr. Hot Donovan," dugtong ni Jax.

"Pwede???" Sabay nilang sabi.

Napatawa na lang si Sierra. Mga baliw talaga ang dalawang 'to.

"Bahala na kayo sa buhay niyo," sabi niya nalang matapos maarrange ang mga papeles at nagpaalam sa dalawa.

"Sierra, kapag pag-ibig na ang pinag-uusapan, no boundaries na yan okay?" Habol pa ni Lily na inaprobahan pa ni Jax.

Mga baliw talaga.

Pumunta si Sierra sa  office ng secretary na kung saan—office niya na rin ngayon. Though hindi pa naman siya permanent pero parang walang plano si Leo na maghanap ng bago. Or wala lang talagang qualified sa ngayon.

Kaharap ng office niya ang pintuan kung nasaan ang malaking office ni Leo. Kapag lumabas ito, siya ang una nitong makikita.

Napapailing nalang siya sa mga iniisip ng dalawang kaibigan. Though she felt weird thinking about it, she can only smile about how silly the thought is.

It is simply impossible.

. . .

"So pumunta kami sa lugar nato and super keleeeeg mga girls!!!" Nakatiling sabi ni Jax. Kasalukuyan nitong kinikwento ang date nito at ni Zeke.

"Ang nakakabadtrip nga lang, may lumapit sa amin tsaka nagreklamong bakit daw naghoholding hands ang dalawang lalaki?"

"Ano?!!!" Medyo makakas na tanong ni Lily. Nagagalit talaga ito kapag may nakikwento si Jax ng mga discrimination situations nito.

𝙷𝚎𝚊𝚛 𝙼𝚢 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝 [𝙱𝚘𝚘𝚔 𝙸 & 𝙸𝙸]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon