Chapter 28
6PM na ng matapos si Leo sa trabaho. He wanted to work until 10 pero mas gusto niyang dalawin si Sierra.
Habang tumatagal ang oras mas lalo siyang nag-aalala.
Okay na ba ito?
Inayos ni Leo ang desk at inilagay sa tamang lalagyan ang mga papeles na kakatapos pa lang pinirmahan at nireview.
He took his suit and adjusted his tie. Unbuttoned the first two buttons of his poloshirt para makahinga ng maayos at dumiretso sa apartment ni Sierra.
Nang makarating sa apartment nito, may dala-dala nang prutas si Leo.
He pressed the doorbell,"Sierra? This is Leonard." Pagpapaalam niya at tumingin sa maliit na camera na nakatutok sa kanya.
Few minutes later wala pa ring sumasagot.
Pinindot ulit ni Leo ang doorbell pero wala talagang sumasagot.
Suot kaya nito ang hearing aid nito? Sa palagay ni Leo ay malalaman ni Sierra kung may tao sa labas ng apartment nito. She had done it before pero bakit hindi siya nito sinasagot ngayon?
Leo is having a bad feeling about this. Hindi siya mapakali.
Paulit-paulit niyang pinindot ang doorbell pero wala pa ring sumasagot.
He sighed heavily at sumandal sa pinto ng bigla itong bumukas.
What? Anong ibig sabihin nito?
Hindi nakalock ang pinto ni Sierra all day?
Sh*t! May nanagyari nga siguro.
Walang pagdadalawang-isip na pumasok si Leo sa apartment ng babae.It feels different to be in her house with a different reason.
Agad niyang hinahanap ang babae pero wala ito sa sala at kusina and probably, nasa kwarto nito.
Agad siyang napadako sa nag-iisang kwarto at nagpasalamat na hindi ito nakalock.
Pero agad nawala ang relief na naramdaman ni Leo ng makita ang babae.
Si Sierra, nanginginig at hindi pa nakakapagpalit ng damit.
"Sh*t! Sierra!" Agad siyang lumapit at mas lalong napamura ng mahawakan ito.
"Ang taas ng lagnat mo." He cradled her to his arms. Suot pa rin nito ang suit na pinahiram niya.
"D*mn Sierra. We need to get to the hospital," umungol lang ito pero hindi sumagot.
Nagpasya siyang dalhin ito sa hospital at tatayo na sana karga-karga ang babae nang bigla itong kumapit sa leeg niya at isinandal ang ulo doon.
"D-dito lang Leonard." Nagtaka siya sa sinabi nito at mas nag-alala ng maramdaman ang mainit nitong hininga sa leeg niya.
"D-ito lang a-ako. Wag... Sa..." Huminga ito ng malalim at nanginginig pa rin.
"Sierra! We need to get you to the hospital. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa katawan mo and it might be worse than a normal fever. Heck, your temperature isn't even what normal fever feels like. Inaapoy ka na ng lagnat—"
"P-please Leo." Bumilis ang tibok ng puso ni Leo ng marinig ang pangalan niya sa bibig ng babae. Unang pagkakataon ng tinawag siya nito sa ganoong pangalan at sa ganitong sitwasyon pa.
Mas humigpit ang kapit nito sa leeg niya at isiniksik ang ulo doon.
Leo sighed heavily, ibinaba ng dahan-dahan si Sierra sa kama nito at napasinghap ng mahawakan ng maayos ang noo nito.
BINABASA MO ANG
𝙷𝚎𝚊𝚛 𝙼𝚢 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝 [𝙱𝚘𝚘𝚔 𝙸 & 𝙸𝙸]
RomansaIsang successful na CEO sa sarili niyang publishing house si Leonard Donovan. He's known for being strict, efficient, a perfectionist, and a cold-hearted person. Wala sa bokabularyo niya ang tamad, manloloko, at pag-ibig. He was shattered to pieces...