HMH - Chapter 29

1.2K 36 3
                                    

Chapter 29

Nagising si Leo ng maramdaman ang pag-ungol ni Sierra.

Dinala niya ang single sofa sa kwarto nito para siguradong mababantayan niya ang babae.

Napatingin siya sa relo at nakitang 4AM pa ng umaga.

Napadako ang tingin niya sa direksyon ni Sierra na nagsisimula ng umupo pero halatang nahihirapan na agad din naman niyang tinulungan.

"You should go back to sleep Sierra, or would you like some water?" Tanong niya na tinanguan nito. She might be thirsty.

He poured the water and gave a glass full of it to her. Dahan-dahan itong uminom at nang mangalahati na ay huminto.

Hinihimas lamang ni Leo ang likod nito para maramdaman kung puno na ba ito ng pawis o hindi.

"Thank you Leo," mahina nitong sabi.

Napatitig si Leo kay Sierra. Halatang may sakit ito base sa mukha nito. Medyo magulo ang buhok at maputla ang mga labi. Pero hindi din naman masamang tingnan.

"Don't mention it Sierra. You have to rest," sabi niya at tumingin ito sa kanya.

Nagulat si Leo ng inabot ng kamay nito ang buhok niyang alam niyang magulo.

She combed his hair gently. Hindi alam ni Leo but the feeling soothes him. Napapikit siya sandali.

"Pasensya na at nakita mo pa ako sa ganitong sitwasyon. I might be a burden to you—"

Agad niyang hinawakan ang kamay nitong humahaplos sa buhok niya.

"Don't talk like that. You are not burden to me Sierra. Never. Treat this as a my thank you for all the things tht you've done. As your boss and now, as your friend." Ngumiti ito at nagkatitigan lang sila ng ilang sandali bago nagpasya si Leo na pabalikin ito sa pagtulog.

Hawak-hawak nito ang kamay niya habang natutulog ng mahimbing at hindi mapigilan ni Leo ang mapangiti sa babae.
She looked so innocent and fragile—but brave.

Maya-maya pa, naramdaman ni Leo ang pagbigat din ng talukap hanggang sa maramdaman niya ang tulog.

. . .

"How is she?" Narinig niyang tanong ni Jany sa video.

Leo was waiting for the soup to be cooked. Inireheat niya nalang ito dahil hindi siya marunong magluto at sayang din naman. Masarap iyon at specially made for Sierra.

"She's doing well. Bumaba ng mataas ang fever niya. Effective ang gamot na ibinigay mo."

Napahinga ito ng maluwag.

"Mabuti naman kung ganun. Si Sierra kase napakaindependent." Sabi nito.

Napangiti si Leo.

"Ako na ang bahala sa kanya. Kailangan mo pang magpahinga dahil kakapanganak mo pa lang. Don't worry about Sierra, she's gonna be okay as long as I am here." He reassured her. Tumango ito at binigyan pa siya ng ibang instructions sa mga gagawin.

Nang pakiramdam ni Leo ay okay na ang soup, dumiretso siya sa kwarto ni Sierra dala-dala ang pagkain at gamot.

"Sierra, it's time for your breakfast. Wake up." Mahina niyang gising dito. Ilang sandali pa ay nagising ito at agad hinaplos ni Leo ang noo nito. Mainit pa rin pero hindi na katulad ng kahapon.

Tinulungan niya itong umupo.

"You want to go to the bathroom?" Tumango lang ito saka agad na tinulungan ni Leo papuntang cr.

𝙷𝚎𝚊𝚛 𝙼𝚢 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝 [𝙱𝚘𝚘𝚔 𝙸 & 𝙸𝙸]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon