Chapter 4
"Sierra? Is everything ready sweetie?"
Narinig ni Sierra sa baba ang tinig ng mommy niya habang inaayos ang natitirang mga bagay na pinasok niya sa bag.
Pupunta sila ng Baguio ngayon ng mommy niya kasama ang Nanny Ana niya. Ang papa niya ay susunod nalang sa kanila dahil may business meeting pa ito.
"Yes Ma, everything is ready!" Sigaw niya at kinuha ang bag at maleta sabay lumabas sa kwarto at bumaba.
Nakita siya ng Mama niya at napangiti.
"Wow, you packed many things." Sabi nito sabay hipo sa tyan nito.
Buntis ito for 5 months and half.
Plano nitong manganak sa Baguio kung saan ito lumaki kaya kahit ayaw ng Papa niyang iwan ito at umattend sa meeting, pinilit ito ng Mama niya na ipagpatuloy ang meeting at sumunod nalang sa kanila.Gagamitin nila ang jet plane na pagmamay-ari ng pamilya nila for safety. Masyado kaseng hassle kapag bumyahe on land, napakarisky para sa Mama niya.
"Of course, I plan to stay there with you and help you with everything Ma. Kapag lumabas na si baby bro or sis, nasa tabi mo ako."
Ngumiti ito.
"But sweetie, you just graduated as a multimedia artist. You shouldn't waste your time with me. I can take care of myself."
Agad niyang nilapitan ang ina at hinalikan ito sa pisngi.
"Every time I spent with you Ma is not a waste of time okay? Don't ever think like that. I love you and Papa, and of course Nanny Ana and-my upcoming brother or sister so much. Finding work can wait. You're my first priority right now."
Ngumiti ito,
"I am so lucky to have you as my daughter. We're so lucky ng Papa mo-"
"Indeed. We are so lucky. And I am so lucky that you are my wife." Narinig niya ang boses ng Ama sa likod at hinagkan siya agad nito sa noo tapos ay sa Mama naman niya sa labi.
Kitang-kita niya ang pagmamahal sa mga mata ng mga ito.
She love them more because of that.
"Bakit nag-iemote kayo e sa Baguio lang kayo pupunta. At isa pa, magkasama kayo sa plane." Natatawang sabi ng Papa niya sabay himas sa tiyan ng Mama niya.
Napatawa si Sierra.
"Pa, it's better to express your love to your family everyday." Sabi niya at napatango naman ito.
"Is everything settled Sierra? You two should start going now. Asan si Nanny Ana mo?" Tanong nito.
Si Nanny Ana niya ang obviously, her nanny since she was born. Matanda na ito at mahal na mahal niya. Nanny din ito ng Papa niya at napaclose ng mga ito.
"Wait up here, I'll call Nanny." Sabi niya at iniwan ang mga magulang tapos pumunta sa 2nd floor kung saan ang kwarto ng Nanny niya.
"Nanny Ana, are you ready?" Tanong niya sabay katok at pasok sa kwarto. Nakita niya itong handa na habang napalingon sa kanya. Ngumiti ito, yung ngiting gustung-gusto ni Sierra.
"Ready na anak." Sabi nito at nagsimulang maglakad pero agad niyang kinuha ang bag nitong dala.
"Nanny ako na,"
"Nako, itong bata 'to talaga. Salamat anak. Pero pababa lang, tapos ibigay mo agad kina Roger okay? Mabigat yan." Tumango siya.
"Opo Nanny, ayoko lang namang mahirapan ang pinakamagaling, maganda, at mabait kong Nanny sa buong mundo."
BINABASA MO ANG
𝙷𝚎𝚊𝚛 𝙼𝚢 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝 [𝙱𝚘𝚘𝚔 𝙸 & 𝙸𝙸]
RomanceIsang successful na CEO sa sarili niyang publishing house si Leonard Donovan. He's known for being strict, efficient, a perfectionist, and a cold-hearted person. Wala sa bokabularyo niya ang tamad, manloloko, at pag-ibig. He was shattered to pieces...