Chapter 30
"Leo, alam kong nahihirapan ka na. Let me help you. Please," nandito si Sierra ngayon sa office ni Leonard at nakikipagtalo sa makapal na papeles na kailangang ireview.
"No, Sierra, sabi ni Jany hindi na pwedeng maulit ang nangyari sayo two days ago okay? That friend of yours will be the death of me. Kakakilala pa lang namin but she already threatened to kill me." Sabi nito na sobrang seryoso ang mukha.
"Leo I can handle myself and besides, I am your employee. This is my job," sabi niya for the nth time since two days ago.
Nang kinabukasan; two days ago, agad nang nawala ang sakit ni Sierra pero hindi siya agad pinagayang patrabahuin ni Leo.
Plano sana nitong bigyan siya ng one week day-off pero sa paningin ni Sierra, she will be overstepping her boundaries kung papayag siya sa gusto ng boss.
Tinulungan na siya nito habang may sakit siya, hihingi pa siya ng day-off? Hindi pwede yun.
At isa pa, hanggang ngayon, wala pa rin itong secretary.
May bagong hired kahapon pero isang malaking fail. Ni katiting na trabaho ng secretary, hindi alam ng babae. Sa huli, pati ang naghire sa nasabing "secretary" ay tinanggal ni Leo.
"Sierra-"
"-kapag hindi mo pa ako pinayagan nito, magagalit na talaga ako Leo."
"So now you are threatening me too? Best friends nga talaga kayo ni Jany."
Pinigilan niyang mapangiti sa sinabi nito.
"Come on Leo, seryoso ako. Don't make me do the unexpected."
Tumingin ito sa kanya na parang nanghahamon.
"Hindi ko sasabihin sayo no. Pero nasabi na ba sayo ni Jany na kapag may sinabi akong gagawin ko, gagawin ko talaga."
"So you're a woman with words, huh?" Sabi nito with a smirk on his face.
Nakatitig lang din siya sa mga mata nito at nanghahamon. Maya-maya pa,
"*sigh* sige na nga. But! You will be out at 5pm, no overtime!" Sabi nito.
Hindi sumagot si Sierra at tinakpan lang ang mukha nito. Dahilan para mapatawa silang dalawa.
"Whatever,"
"I didn't know you are a brat Sierra. Kung alam ko lang," biro nitong sabi. Ginulo lamang niya ang buhok nito.
"Nasa labas lang ako if you need anything. At kahit pa kinuha mo ang tablet ng mga schedules mo, I will update you about everything kase alam kong hindi mo yun nachicheck dahil super busy ka." Sabi niya habang inaayos ang mga papeles na irereview.
Napakamot lang ito sa ulo at niluwagan ang polo nito.
"Whatever," biro nito.
Kung nagtataka kayo kung bakit biglang naging ganito silang dalawa ni Leo, nagsimula syempre nung nagkasakit siya.
Hindi alam ni Sierra pero parang nagclick lang silang dalawa. Nalalabas niya ang totoong siya sa lalaki maybe because he knew her already.
E nakita na nga siya nitong nakahubad probably, though sabi nito ay wala itong nakita but still, he'd seen her at her worst at sa palagay ni Sierra, that's enough for them to be practically best friends too.
Never in her wildest dreams na magiging kaibigan niya at kaasaran ang boss niyang palaging mainit ang ulo, walang awa, workaholic, at yeah-pogi-niyang boss na si Leonard Donovan.
BINABASA MO ANG
𝙷𝚎𝚊𝚛 𝙼𝚢 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝 [𝙱𝚘𝚘𝚔 𝙸 & 𝙸𝙸]
RomanceIsang successful na CEO sa sarili niyang publishing house si Leonard Donovan. He's known for being strict, efficient, a perfectionist, and a cold-hearted person. Wala sa bokabularyo niya ang tamad, manloloko, at pag-ibig. He was shattered to pieces...