Chapter 25
Napasulyap si Sierra sa mga taong nakaupo sa kani-kanilang upuan. Nakatingin ang iba sa kanya at ang iba ay nagbubulung-bulongan.
Napatingin din siya sa babaeng nakatingin pa rin ng masama sa kanya.
Ito ang malapit na kapatid ng Mama niya.
Noon, sobrang lapit nila sa isa't-isa. Sobrang close nito at ang Mama niya kaya siguro natural lang na kamuhian siya nito.
Nang mangyari ang aksidente at nang makita nitong buhay siya at hindi ang Mama niya't kapatid, ito ang unang sumumbat sa kanya. Masakit man pero palagay niya tama ito.
Isa ito sa mga dahilan kaya ayaw pumunta ni Sierra sa mga family gatherings.
"Ano? Wala kang masabi ngayon? Nakakatulong ba yang hearing aid mo? Nakarinig ka pa ba?" Sabi nito.
Hindi pa rin makapagsalita si Sierra.
"Tita—"
"—Hindi kita pamangkin!" Medyo malakas nitong sabi. Ngayon, alam na ni Sierra'ng nasa kanila na talaga ang atensyon ng lahat.
"Matapos mong patayin ang kapatid ko? Kinalimutan ko nang pamangkin kita! I don't even know how your father can still call you his daughter? Nang iwanan mo ang kapatid ko on that plane—"
Nasa tabi na nila ang waitress kasama ang inorder niyang kape pero hindi pa rin siya makagalaw.
Magsasalita pa sana ito ng biglang may humablot sa balikat ni Sierra at iginiya siya sa labas ng coffee shop.
Nang mag-angat siya ng mukha ay nakita niya ang seryosong mukha ni Mr. Donovan na diretso lang ang tingin sa daan. Napansin niyang dala nito ang kapeng inorder niya.
Nang medyo malayo na sila ay agad na huminto si Sierra sa paglalakad.
Napatingin sa kanya si Mr. Donovan,
"Are you okay?" Tanong at medyo hindi pa siya nakasagot pero tumango siya.
Ayaw niyang makita siya nito sa ganitong sitwasyon kaya naglakas-loob siyang magsalita.
"Salamat, ah, b-babalik na ako sa apartment ko. Salamat Mr. Donovan." Hindi na ito nagsalita, thankfully, at agad na ibinigay ang coffee ni Sierra sa kanya.
Agad-agad na nagsimulang maglakad si Sierra.
Nang tumulo ang luha niya, mas binilisan niya ang pagkilos. Gusto na niyang magkulong sa kwarto niya.
. . .
Normal ang araw na yun para kay Leo. Medyo hindi na masyadong hectic sa kompanya pero busy pa rin. He's very thankful to have Sierra in his company. She's a perfect example of a diligent worker and she knows what to do with everything. Hindi nito alam pero ang laking tulong ang nagagawa nito sa kanya being his temporary secretary.
Nagpasya si Leo na kumuha na muna ng kape sa malapit na coffee shop. He wants to take some walk to clear his mind from all the busy schedules that's running through it. Pansamantalang kalimutan ang sobrang stressful na week.
Nang makarating sa coffee shop, nagtaka si Leo nang hindi siya batiin ng mga staff ng shop which is very unusual. Kilala siya ng mga ito pero hindi siya binati—more like wala sa kanya ang atensyon ng mga ito.
Biglang napalingon si Leo ng may malakas na boses ang nagsalita. Parang galit na galit at doon din nakatuon ang atensyon ng lahat.
Tumingin siya sa dalawang babae.
May isang medyo may edad nang babae (maybe in her mid 50's) na may handbag at ang sama ng tingin sa babaeng halatang mas bata ng ilang taon sa ginang at nakaharap ang likod kay Leo
BINABASA MO ANG
𝙷𝚎𝚊𝚛 𝙼𝚢 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝 [𝙱𝚘𝚘𝚔 𝙸 & 𝙸𝙸]
RomanceIsang successful na CEO sa sarili niyang publishing house si Leonard Donovan. He's known for being strict, efficient, a perfectionist, and a cold-hearted person. Wala sa bokabularyo niya ang tamad, manloloko, at pag-ibig. He was shattered to pieces...