Chapter 3
"This project will be very difficult guys. Kailangan nating pag-igihan ang trabaho natin. Walang magtatamad-tamaran. No complains, okay? Remember: kailangan nating mareach ang target and it is our responsibility to make Jennifer's book to be successful okay? Let's get this done guys!" Pep talk ng Publishing Editor nilang si Mrs. Veena Ara.
Siya din ay gustung-gusto nang simulan ang trabahong ibinigay sa kanya. Magiging busy sila for sure pero gusto ni Sierra ang ganon. Makakalimutan niya kahit sandali ang mga iniisip.Nang bumalik sa kanya-kanyang pwesto ang mga co-workers ni Sierra, agad siyang nilapitan ni Ma'am Veena.
"Sierra right?"
Tanong nito at agad namang siyang tumango.
"It might be hard for you, napakabusy natin ngayon because next week we should reach the company's target at ready na dapat ang book. Kaya ba?" Ngumiti si Sierra.
"Kaya naman po ma'am. I'm just excited to do my job well." Sabi niya dahilan para ngumiti ang babae.
"I've heard from Zola that you are very good as a graphic designer. I'm looking forward on your work. Do a good job and give Mr. Donovan the best choices for the book cover. I'm counting on you." Sabi nito at napatango lang si Sierra sabay ngiti.
Nagpaalam na ito na bumalik na sa sariling opisina.
Si Sierra naman ay pumasok na sa malaking cubicle niya at humarap agad sa computer, ini-adjust ang volume ng hearing aid niya tapos nagsimula nang magtrabaho.
Nasimulan niyang basahin kagabi ang librong tinatatrabaho nila ngayon and she has many ideas about the book cover.
Earlier, Ma'am Zola told her about the main signature of the company and what are their mission every time they publish books or releases new magazines. One of the important factors are the designs of the books or magazines that are done by the graphic designer. Sinabi nitong napakastrikto ng boss nila na si Mr. Donovan about it. Pero strikto daw talaga ito sa lahat. Perfectionist, cold, at pusong-bato raw ang boss nila.
She's not really looking forward on meeting Mr. Donovan. Bahala na si Batman kung anong mangyayari.
. . .
9:00 na ng gabi nang dumating si Sierra sa apartment niya. Kakatapos lang ng trabaho niya pero gusto niya pa ring ipagpatuloy ang ginagawa. Pumunta siya sa kusina at naghanda ng makakain.
She's starving, unang araw palang at ang dami nang trabaho. She's planning to do many book covers para makasigurado na maraming choices sina Ma'am Veena.
Matapos kumain ay agad na nagligpit ng pinagkainan si Sierra at dumiretso sa working place nito.
After an hour naramdaman niya ang vibration ng relo niya na nagsasabing may tawag sa telepono. Kinuha niya ang kanyang hearing aid saka iyon isinuot at itinigil na muna niya ang pagtatrabaho. Sigurado siyang it's her doctor.
"Hello?"
"It's 10:00 there Sierra. What time are you sleeping?" Napangiti siya ng marinig ang boses ng bestfriend niya. Her bestfriend way before elementary pa.
"Ahm...10:30?" Sagot niya sabay punta sa tapat ng ref. at kumuha ng tubig.
"10:30 ha? I can hear the question mark Sie. Remember, it's not good for you to be stressed or overworking okay? Magpapaopera ka pa—"
"—Kapag gusto ko na pero yun nga, hindi ko gusto at hinding-hindi mangyayari yan. I'm better off like this Jany, okay?"
"Here we go again. Sie, napakalaki ng chance mo for recovery but if you overwork yourself, it might be bad for you and you know it may result for you to lose what you have right now permanently. Kahit hearing aid hindi makakatulong sayo kapag nangyari yun. Pinag-usapan na natin 'to di ba?"
"Kaya nga, pinag-usapan na natin 'to and I don't want to undergo a surgery. I am a coward Jany at ayokong marinig lahat ng sasabihin nila kapag naging successful ang operation. Madidepress lang ako. "
"Sie, you don't have to run away from them. Hindi sila worth it and you are not the reason why it happened."
"Jany, let's stop this okay?" Sabi niya sa kaibigan. Halata na ang pagod sa boses niya.
Nagpakawala ito ng buntong-hininga at tumahimik ng ilang sandali.
"Okay, pero alam mo namang concern lang ako sayo Sie."
"I know..."
Napaupo si Sierra sa sofa. Grateful siya sa concern ng bestfriend niya pero minsan talaga nakakapagod lang kapag nag-aaway sila. Alam nito ang mga problema niya at kahit kailangan hindi siya nito iniwan.
"How was your first day at work?" Narinig niyang tanong nito.
"Fine. Okay naman. It makes me forget about things."
"That's good to hear." Sabi nito.
"It's good to hear your voice Jany," sabi niya at napapikit. Hindi alam ni Sierra kung anong nararamdaman niya sa mga oras na yun.
She felt emptiness in her life.
"I miss you Sie," sabi din nito.
Napangiti siya. Si January or Jany ay isang doctor. Nasa America ito ngayon kasama ang pamilya. Happily married sa husband nito for 2 years. Para na niya itong nakakatandang kapatid na babae.
Ito lang ang nakakaalam ng lahat ng sekreto niya sa buhay at ito lang din ang kayang pagalitan siya.
"I miss you too Jany..."
Nag-usap muna sila ng ilan pang minuto matapos nagpaalam ang kaibigan dahil may duty na ito.
Nagpaalam sila sa isa't-isa at nagpasya na rin si Sierra na matulog na. Nakatikim pa siya ng reminder sa kaibigan bago nito pinutol ang linya.
She wonder why she's still alive after what happened years ago. She wonder why she's still alive but feels dead inside.
---------------------------------------------------------------------------
Jany/ January at the top as cover.
BINABASA MO ANG
𝙷𝚎𝚊𝚛 𝙼𝚢 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝 [𝙱𝚘𝚘𝚔 𝙸 & 𝙸𝙸]
RomanceIsang successful na CEO sa sarili niyang publishing house si Leonard Donovan. He's known for being strict, efficient, a perfectionist, and a cold-hearted person. Wala sa bokabularyo niya ang tamad, manloloko, at pag-ibig. He was shattered to pieces...