HMH - Chapter 34

1.1K 27 1
                                    

Chapter 34


"I love him Leo,"

"He's always there for me whenever you're not."

"Hindi niya ako binabalewala."

"I don't love you anymore,"

Habang sinasabi ang mga salitang yun, kalmado itong nakatingin sa kanya.

Parang hindi niya nakita na nakikipagtalik ito sa best friend niya one week ago.

Parang hindi sila engage one week ago at ikakasal na sana one week ago.

Gusto niyang saktan ang babaeng nasa harapan niya. Gusto niyang makita na kahit katiting man lang, hindi nito gusto ang nangyari.

Pero wala siyang makitang pagsisi.

Guilt meron. Pero pagsisi? Wala.

"I'm in love with him. At mahal niya rin ako."

Pero mahal rin kita! More than anyone, I love you more than myself!

"Goodbye Leo,"



Napaupo si Leo sa kama at napatingin sa paligid.

"Sh*t! That dream again!!!" At ikinuyom ang mga kamay.

F*ck his life!!!

Agad niyang itinapon lahat ng mahawakan. Sinuntok ang pader, binasag ang bottle of whiskey, kicked the bed-side table, grabbed his hair hard. As if para makalimutan lahat.

Ramdam niya ang dumudugong kamay.

Pero hindi niya iniisip yun. Hindi niya maramdaman ang sakit.

Matapos makita ang mukhang yun.

After 7 years of trying to forget her. Them.

Nakita niya ang dalawang taong kinamumuhian niya.

Happily married. With their two children.

D*mn it!


. . .


Araw na ng anniversary. Sierra is super busy.

Hindi niya nakita si Leo whole day at nag-aalala siyang hindi ito pumunta sa sariling nitong event.

She called him earlier pero hindi ito sumagot.

Kinalma niya ang sarili at nagpatuloy sa pagtatrabaho para sa party mamaya.

Everything will be alright Sierra. Leo can do this.

Napalingon siya ng marinig ang tunog ng telepono. Yun na siguro ang hinihintay niyang tawag. Yun ang head security para sa event mamaya. Nagbigay ito ng update tungkol sa napag-usapan nilang set-up ng mga security para sa event mamaya.

Napagkasunduan kaseng huwag magpapapasok ng media at gawing private event ang party. Though may private photographer at may isang team ng videographer na nakasign ng contract for confidentialities.

Pakiramdam kase ni Sierra ay kailangan iyon para sa event mamaya. Pakiramdam niya ay may mangyayaring hindi maganda pero pinipigilan niya ang sarili mag-isip ng negatibo.

Napag-usapan din yun sa meeting. Hindi dumalo si Leo kaya napilitan siyang magproxy rito na si Leo mismo ang nag-approve.

Pansin ng lahat ang kalagayan ni Leo. And though everyone is excited fro the event, medyo tense din ang mga ito dahil sa kilos ng kanilang boss. 

𝙷𝚎𝚊𝚛 𝙼𝚢 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝 [𝙱𝚘𝚘𝚔 𝙸 & 𝙸𝙸]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon