HMH - Chapter 6

1.4K 30 0
                                    

Chapter 6

Gabi na ng matapos ang meeting nina Ma'am Veena at mga editors. Halatang busy na naman sila next week.

Sigurado si Sierra na papagalitan siya ni Jany kapag nalaman nitong ganun sila kahectic sa kompanya.

"First of all, congratulations sa atin guys at buhay pa tayo." Sabi ng kanilang Publishing Editor.

Nagpalakpakan ang mga tao sa buong floor.

"Next week, ipapublish na ang mga books na ating pinagtatrabahuan for the past two months. Pagkatapos nun ay may mga new books na naman tayong tatrabahuin."

Marami pa itong sinabi pagkatapos ay dumating si Ma'am Zola, ibinigay ang mga details sa kanilang mga next projects.

Ito na talaga ang totoong sitwasyon. May bagong target budget, iba't-ibang deadlines and goals. Maraming magazines na gagawin for the future seasons lalo na at malapit na ang pasko.

Excited tuloy si Sierra.

Babalik na sana siya ng tawagin siya ni Ma'am Zola.

"You did great Ms. Marion."

Nagulat si Sierra sa sinabi nito.

"Your work was very great. Nagustuhan ni Mr. Donovan lahat and he wanted to congratulate you." Sabi nito matapos umalis din.

What a relief. She's been dying to hear those words. Ngayon ay kampante na siyang magtrabaho. All out ang ibibigay niya sa mga bagong projects.

. . .

"Mr. Donovan? May personal call po kayo." Narinig niyang sabi ni Zola.

"Who is it?" Nagtaka si Leo. Bakit hindi sa phone niya mismo tumawag?

"West daw po, West Andrien."

"Okay, I got it." Sabi ni Leo at kinuha ang telepono.

"Hey dude, finally!"

"West? What a surprise? Ngayon lang kita nakausap for how many years?" Si West ay barkada niya noon.

Nawalan lamang sila ng komunikasyon ng mangyari ang insidenteng iyon sa kanila ni Stella. He shut his door to his friends and to everyone else. He focused his attention on his company and tried to forget everything which he successfully did.

"Yes dude. I'm lucky to even know your company's number. I didn't know ganito ka na kasuccessful. By the way, I called to invite you for a party."

"Party?"

"Yes, sort of reunion na rin. Nandun mga tropa natin noong college days. It will be fun Leo, well, if you just wanted to go." Sabi nito.

Nagdalawang-isip si Leo. Meeting old friends means remembering old memories.

Nag-isip siya for a minute. It might be a good break though. Just having a good time would be good.

"Well yeah, I'll go."

"Yeah?" Tanong ng nasa linya.

"Yes dude, I can free my schedule for the day."

"Okay great, I'll send you the address and time dude. See you."

"Yeah, see you."

Sinabi niya kay Zola ang biglaang invitation at binigyan ito ng mga instructions for the day. Total wala naman ding aasikasuhin sa araw na iyon.

Umuwi na muna si Leo sa pad niya at nagshower. He decided to wear his usual style; white polo, slacks and black shoes.

Chineck niya ang phone at kung saan ang location ng party.

𝙷𝚎𝚊𝚛 𝙼𝚢 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝 [𝙱𝚘𝚘𝚔 𝙸 & 𝙸𝙸]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon