Chapter 15
Hindi sinabi ni Sierra kay Jax na bumalik na siya sa trabaho.
Wala rin naman siyang inilagay na gamit niya doon sa kanyang dating cubicle.
Namalayan lang ng mga tao na mukhang may nakita na namang bagong graphic designer ang Evil Boss nila kaya hindi nalang nila pinansin.
Maaga siyang pumasok, 7:00 palang ng umaga ay nasa kompanya na siya at hulaan niyo nga naman kung sino ang nakasabay ni Sierra sa elevator.
Si Mr. Donovan.
Nagtaka siya dahil ibang-iba ang ugali nito. Para bang hindi sila nagkita kahapon. Parang wala lang nangyari.
Ni hindi man lang ito ngumiti which is okay lang din kay Sierra. Siguro ganito nga talaga ang lalaki.
Siguro nga business lang ang paghingi nito ng tawad sa kanya kahapon sa apartment niya.
Wala nang pakialam si Sierra. Ang mahalaga, may trabaho na siya ulit at... si Mr. Donovan pa mismo ang pumilit sa kanya. How ironic.
Walang imik na sabay silang pumunta sa opisina pero pinauna na ni Sierra ang lalaki. Halata din naman na ayaw siya nitong kasabay.
Pumunta nalang muna siya sa kusina ng kanilang office at naghanda ng tea.
Pangparelax.
Inayos niya ang mga gamit sa cubicle at hinintay ang pagdating ni Jax. Sigurado siyang matutuwa ang kaibigan.
. . .
Bumukas ang pinto sa office ni Leo. Pumasok si Veena na may dalang mga papeles pero napansin niya ang ingay sa labas ng opisina.
Napansin din niya ang ngiti sa mukha ng babae habang papalapit sa table niya.
"Good morning Mr. Leo, ito na po ang mga papeles na gusto niyo." Tumango siya.
Papaalis na sana ang babae nang hindi mapigilan ni Leo na magtanong.
Kahit alam na niya ang sagot ay gusto niya pa ring marinig ang mga nangyayari sa labas.
"Anong nangyayari sa labas?"
"Ahh, natutuwa lang po ang buong design department kase bumalik na si Sierra." Nakangiti nitong sabi.
Naasiwa si Leo sa mukha ng babae.
"Tell them to stay quiet." Sabi niya at itinuon ang atensyon sa mga papeles.
Narinig niya pang nagpasalamat ito bago umalis.
Ayaw mang aminin ni Leo pero he's glad that everything is back to normal.
Kahit pa nag-asta siyang gago kaninang umaga sa babae para ipakitang hindi siya pathetic ay magaan na rin ang loob niya.
May pakiramdam nga lang siya na dapat lumayo na sa Sierra Marion na iyon.
Palagay niya ay magbabago ang buhay niya kapag masyado siyang mapalapit sa babae.
Magandang example ang nangyari sa kanya kahapon. Unang beses 'yon na naglabas siya ng totoong saloobin. And he hates it.
He should definitely avoid her.
. . .
Hanggang ngayon, yakap-yakap pa rin ni Jax si Sierra.
"Girl!!! I miss you! Nakakalungkot talaga nung wala ka dito. At ang ipinalit pa sayo, hay nako! Nakaka-init ng ulo. Nag-iisa ka lang talaga." Sabi nito na nakapout pa. Hindi mapigilan ni Sierra ang mapangiti.
BINABASA MO ANG
𝙷𝚎𝚊𝚛 𝙼𝚢 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝 [𝙱𝚘𝚘𝚔 𝙸 & 𝙸𝙸]
RomanceIsang successful na CEO sa sarili niyang publishing house si Leonard Donovan. He's known for being strict, efficient, a perfectionist, and a cold-hearted person. Wala sa bokabularyo niya ang tamad, manloloko, at pag-ibig. He was shattered to pieces...