Chapter 26
Nang umagang yun, balik lahat sa normal para kay Sierra. Matapos umiyak kay Jany, nagpasya si Sierra na magbabad sa tubig para makapag-isip-isip.
Pero kabaliktaran ang nangyari at naging blangko na naman ang utak niya. Walang pumapasok sa isip niya at nang mapagtantong medyo matagal na siyang nakababad sa tubig, nagpasya na siyang matulog nalang agad.
She expected herself to be called by Mr. Donovan and explain what happened yesterday pero hindi siya pinatawag ng lalaki.
Hindi siya nito tinanong tungkol sa nangyari kahapon at parang walang nangyari.
Sierra thinks that he's giving her some space and a choice on her own and sincerely, she's thankful for that.
"Sierra? Mr. Donovan wants to see you," tawag ng isa sa mga managers sa kanya.
Sigurado siyang kinakailangan na naman ng lalaki ng tulong niya which she would willingly do.
"Yes?" Tanong niya matapos kumatok at sumilip sa pintuan.
Ngumiti ito and shook his head. Medyo magulo na naman ang buhok nito and weirdly, Sierra had this urge to comb the man's hair. Wala lang, para ang kawawa kase nitong tingnan.
"I have this meeting later this afternoon,"
Napakunot-noo si Sierra.
"Pero wala sa listahan na may meeting ka ngayong araw. Bukas pa ang scheduled lunch meetings mo and conference." Sabi ni Sierra. Of course alam niya ang schedule nito. She is his temporary secretary after all.
"Yes that's true but this one's rushed. One of the authors wanted to back out. May emergency daw na nangyari and I want her to change her mind and persuade her to give her trust to us at tayo nalang ang bahalang mag-aasikaso ng book niya. After all, that's what this is all about. Ayokong magkaroon ng delay ang pangarap ng isang author,"
Hanga rin si Sierra sa passion ng lalaki about their work. Each day, kahit hindi pa nangyayari ang insidenteng yun sa Tita ni Sierra, she's slowly understanding his intentions. His passion and dedication. Napakalakas ng determination nito at kahit pati si Sierra ay nagugulat sa sarili because he is slowly, but surely, gaining her respect and admiration.
"Well, mahaba-habang usapan yan for sure. Do you want me to take care of other things while you're away?" Tanong niya. Ngumiti ito at tumango.
"You're a sweetheart Sierra. I'm so lucky to have you here. Thank you," sabi nito at nagsimula nang mag-ayos ng mga gamit nito.
"Anytime," at nagsimula na sana itong umalis ng magsalita ulit si Sierra.
"And thank you for saving me. You know, for what happened yesterday. It means a lot to me Mr. Donovan." Napatingin ito sa kanya ng ilang sandali.
And both for their surprise, nagtama ang mga mata nilang dalawa, full of sincerity and gratefulness.
"No problem." Sabi nito at sabay ngiti.
"And please refrain on calling me by my full name or being formal Sierra. Sometimes it bugs me to death. We've done so much and helped each other to be so formal okay? Call me Leonard or Leo, anything's fine. Wag nga lang cuss because I know I can be a complete jerk sometimes..."
Napangiti si Sierra sabay tango.
"Maybe not sometimes but occasionally..."
"Okay Leonard, you should go now. You have a persuading to attend to. I'll take care of things." Tumango ito at umalis na matapos magpaalam.
BINABASA MO ANG
𝙷𝚎𝚊𝚛 𝙼𝚢 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝 [𝙱𝚘𝚘𝚔 𝙸 & 𝙸𝙸]
RomanceIsang successful na CEO sa sarili niyang publishing house si Leonard Donovan. He's known for being strict, efficient, a perfectionist, and a cold-hearted person. Wala sa bokabularyo niya ang tamad, manloloko, at pag-ibig. He was shattered to pieces...