HMH - Chapter 46

1K 24 10
                                    




Chapter 46





Hindi alam ni Sierra kung ano ang susuotin.

"Paano ba? Hindi ko na alam ang gagawin?" Agad niyang binuksan ang laptop niya at Skype, agad na tinawagan ang kaibigan.

"Oh? What's up. . .teka bakit ganyan ang mukha mo?" tanong nito sa kanya.

Hindi niya kayang sabihin.

"Sie? What's the matter?" tanong nito ulit.

"Jany. . . kasi. . ."

"Ano?" She can tell Jany's becoming worried.

"Si Leo kasi. . ."

Napakunot ang noo nito.

"Sierra, ano ba talaga yan? What about Leo. Bakit? Sinisante ka na naman ba? Kung ganyan lagot sa akin--"

"No. . . not like that. That would never happen now."

"So ano? Sierra. . ." nagiging matigas na ang boses nito. Bakit hindi niya ba masabi? Napaimposible kase.

"Date. . ." at hindi agad makatingin ng diretso si Sierra sa screen.

"Date? Anong date? Huh? Nalilit--" agad itong napaupo ng tuwid.

"Wait! Date?" tanong nito kaya tumango siya.

"With Leonard? Is that what you're trying to say?" Tumango siya.

"A date with Leonard?" tanong nito ulit.

Agad itong pumalakpak. "Thank goodness! Finally. . . Kailan ba?" Sabi nito pero nakangiti na.

"Susunduin niya raw ako 7:30." Agad itong napatingin sa kung asan.

"6:49 na dyan ah!" matapos ibinalik ang atensyon sa kanya.

"Maghanda ka na!" Parang mas excited nitong sabi. Tamang kilos nga ang ginawa niyang hindi pagsasabi sa nangyaring magical moment nila Leo kay Jany. Hindi niya alam kung paano ito magrereact.

"Anong susuotin ko? Anong bang gagawin dun sa date? Client meetings lang ang alam ko and designing book covers and other stuff." Hindi namalayan ni Sierra'ng nagiging madaldal na siya.

"Ano ka ba, ahm . . . wear something red kase bagay yun sayo. Tsaka ano ka ba. Ang confident mo sa trabaho tapos natataranta ka ngayon?" Agad itong natawa.


Hindi pa nagsasalita si Sierra dahil lumalakas na aman ang tibok ng puso niya.

"This is so much fun to watch Sie, I haven't seen you like this for a while. Though wala ka naman talagang love life to begin with but this is definitely new." Napasapo siya sa noo.

"Jany, anong gagawin ko? Kahit na kilalang-kilala ko na siya, ewan. Naguguluhan ako ngayon kung paano kumilos sa harapan niya."

"Hay my dear Sierra, it's just a date. And you're so lucky kase kilala mo na agad si Leonard okay? You just have to relax and calm down. Just be your usual self when your with him. Nothing will change I promise." Advice nito.

It suprisingly calmed her down and she exhaled.

"Okay, just be myself right?" Tumango.

"Get ready now! Mabilis matapos ang oras ng hindi mo nalalaman kapag natataranta ka. Go! Call me later, enjoy!" Sabi nito at ito pa mismo ang nagtapos sa usapan.

Si Sierra naman, agad na tumungo sa closet niya at pumili ng red casual dress. Dumiretso sa banyo and took a half-bath. She prepared herself like usual, just like going to work. Agad niyang sinuot ang hearing aid niya at nagpasyang maghintay sa sala. 5 minutes nalang at 7:30 na. Her hands are getting cold. Kumuha siya ng tubig at uminom ng isang baso.

𝙷𝚎𝚊𝚛 𝙼𝚢 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝 [𝙱𝚘𝚘𝚔 𝙸 & 𝙸𝙸]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon