HMH - Chapter 19

1.2K 28 0
                                    

[Jacob at the top picture]

Chapter 19



"Bro, I can't believe ikakasal ka na. The day has finally come." Narinig ni Leo sa kabilang linya ang best friend niyang si Jacob.

Kilala nito si Stella pero hindi pa nito nakikita ang fiancé niya.

Napakasaya ni Leo nang gabing 'yon, kahapon siya nagpropose kay Stella. Leo is super giddy about the idea of marrying Stella, his fiancé.

"Hindi ko talaga akalaing magiging ganito ako kasaya Jacob, I love her with all my heart."

"Well, I'm happy for you bro. I can't wait to meet her. I am definitely your bestman sa wedding okay?"

"Of course Bro. Ikaw pa, umuwi ka na kase dito. You'll definitely like her." Natutuwa na si Leo sa isiping magiging magkaibigan sina Jacob at Stella. Alam niyang magkiclick ang dalawa.

Jacob is his best friend since elementary. Lahat ng kag*gohan na ginawa niya noon, kasama niya ang lalaki. He's the brother Leo never had. Mas pipiliin niya pa ito kesa sa half-brother niyang si Nico.

He's outgoing, crazy, and confident in every aspects. Mas matinik nga lang ito sa babae but Leo thinks na kapag nahanap na nito ang 'the one', he knows Jacob will love her like how she loves Stella.

They are both passionate and determined to do what they want kaya naging napakamalapit nila sa murang edad pa lamang.

"Don't worry, you'll definitely see me sooner than expected Leo. And until then, I can't wait to meet the girl who stole the heart of my best friend," sabi nito at nagtawanan ang dalawa.

. . .

"Jacob, this is my fiancé, Stella," sabi niya sa kaibigang habang pinapakilala ang fianće. Napakalaki ng ngiti ni Jacob.

"Babe, ito ang baliw na Jacob na palagi kong kinikwento sayo," sabi niya na agad din naman siyang hinampas ng kaibigan sa balikat.

"Now Leo, anong mga kinikwento mo sa maganda mong fianće tungkol sa akin ha? You're playing dirty bro," sabi nito at nagtawanan silang tatlo.

"It's nice to meet you Jacob, I've heard so much about you," sabi ni Stella sabay lahad ng kamay na tinanggap naman agad ni Jacob.

"The pleasure is mine future Mrs. Donovan." Sabi nito at hinagkan pa ang kamay ng babae.

Wala lang iyon kay Leo, alam niya kaseng ganoon ang ugali ng kaibigan. Napakacharming nito at madaling kausap.

Nagkwentuhan muna sila at masaya siyang makitang madaling naging malapit ang dalawang importanteng tao sa buhay niya.

"So when is the wedding?" Tanong ng kaibigan.

Hinawakan ni Leo ang kamay ni Stella at napatingin sa mga mata ng babaeng mahal. Ngumiti ito at hinagkan niya ito sa pisngi.

"We don't know yet. But possibly 6 months or a year from now. Yun ang napag-usapan namin," sabi ni Leo habang hinihimas ang kamay ni Stella.

"Well, good for you. By the way Leo may sasabihin ako," napakunot-noo siya sa biglang pagsasalita ng kaibigan.

"Ano yun?" Parang hindi ito makapagsalita.

"Jacob? May nabuntis ka ba?" Tanong niya dahilan para mawala ang seryoso nitong mukha at tumawa ng malakas.

"Leo naman," sabi lang nito at sinusubukang magseryoso.

Natatawa na rin siya sa kaibigan.

𝙷𝚎𝚊𝚛 𝙼𝚢 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝 [𝙱𝚘𝚘𝚔 𝙸 & 𝙸𝙸]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon