Chapter 5
"Ay ang pogi niya." Natatawa na lang si Sierra sa tabi ni Jax.
Kung anong kalalaki nitong tingnan, kabaliktaran ang iniexpect niyang kalandian mula sa bagong kaibigan.
Confirm na confirm talaga. 109%.
"So Sierra Marion?"
"Yes?" Natatawa siya habang nakatingin sa lalaki.
"Ang daming pogi dito ngayong araw, bakit kaya? Let me guess... Kase nandito akooo! Ganern!" Sabi nito na agad naman nagpatawa kay Sierra.
Napaupo sila sa pinakadulong table para makita raw ng maayos ni Jax ang mga lalaki sa ibang department.
"Hoy, si Charlot kanina natanggalan ng trabaho. Nahuli raw kaseng nakikipag-ano, jugjug." Napalaki ang dalawang mata ni Jax na agad namang ipinagtaka ni Sierra. Pinalakasan niya ang volume ng hearing aid niya at narinig ang usapan ng mga babae sa katabing table.
Siguro nasa Marketing Team ang mga ito.
"Ano? Nakadrugs ba siya? Hindi niya ba alam kung paano magalit si Mr. Leo?" Sabi ng babaeng gulat na gulat.
"At alam mo kung saan?"
Nagtinginan sila ni Jax, itinaas nito ang magkabilang kilay at nagpatuloy sa pakikinig.
"Saan?"
"Nagpanggap na mag-o-overtime at sinamantala ang pagiging busy ng kompanya, dun sa kusina gumawa ng milagro. At alam mo kung sino ang kajugjug niya?"
Ang pangit naman ng term na 'jugjug', nasa isip ni Sierra.
"Walang iba kundi ang Marketing Manager."
"Ha? E di ba may asawa't anak na yun?"
"Yun na nga ang problema. Alam mo namang ayaw na ayaw ni Mr. Leo ng mga manloloko. At naglakas loob pa talaga silang dito sa opisina gawin? Ano yun? Naubusan lang ng motel na mapagtutuluyan ganun? Mga bobo rin eh."
"Hay nako, nasa rules ng company na ang mga yan. Bawal tamad, bawal matulog, bawal ang mga manloloko lalong-lalo na ang pakipagjugjug no. Kaya pala hindi ko nakita sina Charlot kanina."
"At alam mo kung anong ginawa ni Sir Leo? Gumawa ng copy ng scandal nila tsaka yun ang ginawang sweldo kina Charlot. Yun lang tapos pinaalis na. Umiiyak nga si Charlot e, sabi mahal daw nila ang isa't-isa kaya daw nagawa nila yun."
"At umasa pa talaga siyang makikinig si Sir Leo ng paliwanag niya?"
Napatango sina Sierra at Jax ng matapos na ang kwentuhan ng mga babae.
Pumilantik na naman ang kamay ni Jax.
"Rinig mo? Di ba sabi ko? Ganun siya kalupet girl. Kaya ikaw,"
"Ako pa talaga?" Sabi niya.
"I mean, ako, basta tayong magaganda, mag-ingat tayo okay? Nasa isang sikat na kompanya tayo at kung tutuusin, ang saya ng buhay kase ang sarap magbigay ng sahod ni Papa Leo tsaka ang swerte natin. Kaya dapat matuto sa mga karanasan ng iba. Pero hindi ko talaga mapigilan ang appeal ko, sorry nalang in advance."
"Mag-ingat ka talaga."
"At ikaw rin kaya, pansin ko, maraming tumitingin sayo sa ganda mong yan pero karamihan, alam kong sa akin nakatingin pero yun nga. Ingat tayo te,"
BINABASA MO ANG
𝙷𝚎𝚊𝚛 𝙼𝚢 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝 [𝙱𝚘𝚘𝚔 𝙸 & 𝙸𝙸]
RomanceIsang successful na CEO sa sarili niyang publishing house si Leonard Donovan. He's known for being strict, efficient, a perfectionist, and a cold-hearted person. Wala sa bokabularyo niya ang tamad, manloloko, at pag-ibig. He was shattered to pieces...