HMH - Chapter 32

1.3K 27 1
                                    

Chapter 32

"Please take care Rena. Okay? Call me kapag nasa Batanes ka na." Sabi ni Leo at niyakap ng mahigpit ang kapatid. Nandito sila ngayon sa airport.

Sierra felt happy to have this chance to see this side of Leo. He loves his sister dearly and it's so fascinating to watch.

"I will kuya. And please don't worry too much about me. I love you," sagot ng kapatid nito.

Nakatayo lang si Sierra ng hindi kalayuan sa magkapatid. Gusto niyang bigyan ng moment ang dalawa.

Though she felt a little emptiness inside her as she remember past memories, surprisingly, parang may kung anong feeling sa puso niya ng makita ang ganitong sitwasyon ng magkapatid.

Ang pambansang "heartless" na boss niya na napakastrikto sa trabaho ay parang isang malambing na panda pagdating sa pamilya.

She liked that.

Nang matapos magyakapan, nabigla si Sierra nang yakapin din siya ng babae.

"I'm really happy to meet you. Intindihin mo nalang si kuya kapag bad mood siya ha? Ganyan talaga yan palagi." Sabi nito tsaka tumawa ng malakas si Leo. 

Mas lumapit ang babae kay Sierra at may ibinulong.

"Take care of him for me." Sabi nito halik sa pisngi niya.

Napangiti si Sierra. She would really love to have a younger sister like her. Super sweet and beautiful.

"Thank you and I will do my best. Take care." Sabi ni Sierra.

Maya-maya pa, oras na para umalis ito. Pagkatapos ay nagpasya na sila ni Leo na bumalik sa trabaho.



. . .



Four days before the company's anniversary, kasalukuyang nakaupo si Sierra sa secretary's desk. Ginagawa niya ang current book cover ng isa sa mga sikat na author sa Pilipinas.

Nasa conference room si Leo kasama ang ibang mga editors and department heads. She insisted to help him take notes and just simply help, pero hindi siya pinayagan ni Leo. Ginamit nito ang pagiging boss kaya hindi na nagpumilit si Sierra. 

"Sie," lumingon agad si Sierra ng marinig ang pangalan at maramdaman ang presensya ni Leo sa tabi niya.

Nagtama ang mga mata nilang dalawa. Napangiti si Leo.

"Come with me." Sabi nito sabay agad na nagsimulang maglakad.

Agad na tumayo si Sierra,"Saan tayo pupunta?" nagmamadaling sumunod siya kay Leo nang sumakay ito sa private elevator na hinihintay din naman siya.

"May unexpected meeting with Josh. About Mr. Dizon's case." Napatango lang si Sierra.

This past few days, Sierra is overwhelmed on how things are moving so fast. Sobrang komportable nila ni Leo sa isa't-isa. It actually felt nice at parang mas gumaan ang pakiramdaman ni Sierra sa isiping yun.

"You look good today," napatingin si Sierra sa lalaki.

Nakatingin ito sa kanya. Napangiti si Sierra.

"Thank you boss," asar niya dahilan para sumimangot ang lalaki.

Napatawa si Sierra.

"You look good as well." Maya-maya ay sabi niya kaya napangiti ito.

"Thank you," sagot nito pero bago lumabas ng elevator, nagawa pang guluhin ang buhok ni Sierra. Hilig ni Leo ang gawin yun.

. . .

𝙷𝚎𝚊𝚛 𝙼𝚢 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝 [𝙱𝚘𝚘𝚔 𝙸 & 𝙸𝙸]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon