HMH - Chapter 13

1.2K 33 2
                                    

Chapter 13



Napaupo si Sierra sa kanyang malambot na sofa. Ang sakit ng katawan niya.

Naghahanap kase siya ng trabaho these past few days pero unfortunately, wala pa siyang natatanggap na tawag. Dahil siguro sa hearing impairment niya kaya hindi siya tinatanggap. Now, she made sure na alam talaga ng employer na may hearing impairment siya and everytime she says it, nagbabago ang mga mukha ng mga ito at alam na niyang wala na siyang pag-asa.

Ganito yata talaga ang buhay. Kahit pa magaling ka sa ibang bagay, mas bibigyang pansin nila yung nag-iisang kahinaan mo. In her case, it's about her hearing capability.

She sighed and started massaging her neck. Maya-maya pa ay biglang nagvibrate ang relo niya na nagsasabing may tumatawag sa telepono.

Tumayo siya at sinagot ang tawag.

"Sierra? How's everything?"

Napabuntong-hinga ulit si Sierra.

"Why did you call Pa?"

"Napatawag lang naman ako para kumustahin ka."

She rolled her eyes and sat on her sofa. Nakaspeaker kase ang telephone at naririnig niya ng malinaw kahit pa nasa sala siya.

"I know what you're up to Pa,"

"Sierra, you don't have to work hard. You can just rest and relax."

Ito na naman. Uulitin na naman. Ipapaalala na naman.

"Pa, alam mo na ang sagot ko and I will say no. I will always say no. I am giving you your freedom na hindi na ako makita at para hindi mo na maalala ang nakaraan okay?"

"Sierra, alam mo namang—"

"—Pa. Ilang ulit ko bang sasabihin? Sinasabi mo lang yan kase naaawa ka sa akin and you feel sorry for me. And of course, you blame me for what happened. Isa ka rin sa kanila."

Hindi ito sumagot,

"You know what, this call is over. Bye," at lumapit sa telepono, tinapos ang tawag.

Flashback



5 Months after the Accident...

Nandito si Sierra ngayon sa labas ng pinto ng library.

Napakatahimik ng bahay.

Walang ingay at parang ang dilim. Naghanda si Sierra ng makakain nila ng ama para sa hapunan.

Buong linggo ay nasa library lang ito. Usually, doon ito tumatambay kapag busy sa trabaho.

Ngayon, alam niyang nandoon lang iyon para magluksa.

Ilang buwan na rin matapos ang aksidente, maraming nagbago lalo na sa kanila ng papa niya.

Hindi siya nito pinapansin at palaging nakakulong sa library, sa trabaho o di kaya sa kwarto nito.

Isang buwan ding nakastambay si Sierra sa hospital para sa recovery niya.
May bali siya sa ribs at ilang sugat sa katawan. Mabuti na nga raw sabi ng doctor at hindi siya nagkaroon ng severe case of concussion or amnesia dahil sa lakas ng impact dahil sa aksidente. Isang milagro daw na ang pandinig niya lang ang naapektuhan. She should be thankful.

And she is. At that time she was pero ngayon, nalilito na siya if she should be thankful.

Dahan-dahang kumatok si Sierra sa pintuan ng library pero walang sumagot.

𝙷𝚎𝚊𝚛 𝙼𝚢 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝 [𝙱𝚘𝚘𝚔 𝙸 & 𝙸𝙸]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon