Chapter 10
Dahan-dahang napaupo si Sierra pabalik ng cubicle. Lutang ang utak niya dahil bukas ay kaarawan na ng Mama niya at panay ang tawag sa kanya ng ama na kahit isa sa mga tawag nito ay hindi niya sinagot.
Alam na nitong hindi siya pupunta pero patuloy pa rin ito sa pag-iimbita.
Hindi siya makaconcentrate sa trabaho dahil sa wala siyang tulog. Bumabalik ang mga nangyari noon. Ang nangyari sa aksidente. Ang mukha ng Mama niya habang yakap siya nito. Ang Nanny Ana niyang nasa kaliwang bahagi niya at nakayakap rin sa kanya. Ang mga taong mahal na mahal niya at pumrotekta sa kanya.
Ang mga katawan nitong mainit pero naging malamig din pagkalipas ng napakahabang oras.
Nagpasya si Sierra na hindi i-on ang hearing aid niya. Ayaw niyang marinig ang paligid. Mas lalo lang gugulo ang isip niya.
Gusto na muna niyang kalimutan ang araw na iyon.
Gusto niyang kalimutan na buhay pa siya.Nagpasya siyang tumayo at papunta sana ng banyo pero napakabagal ng mga hakbang ni Sierra. Ayaw gumalaw ng katawan niya.
Maya-maya pa ay napansin niya na parang nakatingin sa kanya lahat.
Lahat ng tao sa floor na iyon ng kompanya.
Nagtaka siya pero hindi pa rin nagsisink-in sa utak niya ang nangyayari.
Napansin niyang basa ang suot niyang damit. May mainit na kapeng dumadaloy sa balikat niya. Mabuti nalang at itim ang suot niyang damit at makapal pero ramdam pa rin niya ang mukhang napaso niyang balat.
Nakatingin pa rin ang lahat ng mga trabahante sa kanya at parang may iba rin itong tinitingnan.
Napalingon siya at nakita ang galit na galit na mukha ng boss nila. Si Mr. Donovan at nagsasalita ito.
Nagsasalita ito pero hindi niya marinig.
Nakaoff kase ang hearing aid niya at parang hindi gumagana ang utak niya.
Marami itong sinabi. Siguro nga ay sumisigaw na ito.
Natauhan si Sierra ng lumapit si Jax sa kanya at nagsenyas ito sa hearing aid niya.
Parang kinausap muna nito ang boss nila tapos ay humarap ito sa kanya.
Parang nagpapaliwanag si Jax sa boss nila at ito na mismo ang nag-on ng hearing aid niya.
At sa unang pagkakataon, narinig niyang nagsalita ang boss nila.
"Anong sabi mo? May hearing impairment siya? This is bullsh*t!"
Agad na natigilan si Sierra.
Napatingin sa mukha ng boss na ngayon ay hindi na maipinta ang mukha.
BINABASA MO ANG
𝙷𝚎𝚊𝚛 𝙼𝚢 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝 [𝙱𝚘𝚘𝚔 𝙸 & 𝙸𝙸]
RomanceIsang successful na CEO sa sarili niyang publishing house si Leonard Donovan. He's known for being strict, efficient, a perfectionist, and a cold-hearted person. Wala sa bokabularyo niya ang tamad, manloloko, at pag-ibig. He was shattered to pieces...