[Sierra at the top picture]
Chapter 7
Third week na ngayon and surprisingly, Sierra is back with her 'healthy' routine in life--ika nga ni Jany.
Sapat na sapat ang oras ng pagtulog niya at nagsimula na din siyang mag-exercise other than walking. Jany calls it workout na makakatulong daw sa condition niya para balance ang immune system niya. Hindi din naman siya nagrereklamo because she likes the result of it. She felt more healthier and confident about herself.
She has to make covers for nine books and she's taking her time to connect with each of the authors taste. Knowing their suggestions and what they want for their books—is a must for Sierra.
She's currently working on the third book.
Every week, nakakatapos siya ng 8 cover proposals for one book and that's the average per book. Every book, one and half weeks ang binibigay niya sa sarili tapos ay pinapasa niya sa author to be approved and so far, ang dalawang authors ay bilib sa mga book covers na prinopose niya.
May ilan nga ay nireserve na ang ibang book covers dahil ito daw ang magiging cover ng sequel or spin-off ng iba na namang book nila in the future.
She's working on her fourth cover now nang maramdaman niyang parang may weird na atmosphere sa paligid ng opisina.
Tiningnan niya ang mga tao sa glass window ng office cubicle niya. Nakatayo ang iba at ang iba naman ay nakaupo pa rin sa mga upuan nila pero nakaangat na ang mga ulo at may pinagmamasdan.
Tiningnan ni Sierra kung nasaan si Jax para makita ang reaksyon nito.
Parang natataranta ang lahat.
Nakita siya ni Jax at ininguso nito ang likuran niya.
Nagtaka siya.
Maya-maya pa ay lumingon si Sierra at agad niyang nakita ang isang trabahante. Siguro sa proofreading team iyon dahil may dala-dala itong makakapal na papel. Manuscripts siguro.
Napansin ni Sierra na nanginginig ito at ang dala nitong kape ay nasa sahig na at wala nang laman.
Biglang hinawakan ni Sierra ang hearing aid at pinalakasan ang volume.
"Hindi mo ba ako nakita Ms. Janet?"
"S-sorry po sir. Puyat lang po siguro ako kaya hindi ko po nakita na nandyan na po kayo. Sorry po talaga sir!"
"Your sorry wouldn't do anything for me Janet. You ruined my clothes!"
"Sorry po sir, lalabhan ko nalang po." Sabi ng babae at sinubukang hawakan ang damit ng lalaki na may mataas na buhok at nakasuit.
Iniwasan nito ang kamay ng babae at tinampal, pagpapakita na hindi nito gustong hawakan siya ng babae.
'Ang bastos naman ata ng lalaking yun, nagsorry na nga,' nasa isip ni Sierra.
"You know what, pasalamat ka Janet at mas nakukuha ng init ng kape sa katawan ko ang atensyon ko ngayon--kung hindi--kanina ka pa nawalan ng trabaho." Sabi nito.
"Out of my way, you're ruining my mood!" At agad na dumiretso sa office nito pero bago iyon,
nakita ni Sierra ang mukha nito, at siguro nakita din nito ang mukha niya pero hindi lang nito pinansin dahil abala ito sa pagiging suplado at mainitin ang ulo.
Mataas ang buhok pero bagay tingnan sa mukha nito. Nakakunot ang noo at halatang strikto.
BINABASA MO ANG
𝙷𝚎𝚊𝚛 𝙼𝚢 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝 [𝙱𝚘𝚘𝚔 𝙸 & 𝙸𝙸]
RomanceIsang successful na CEO sa sarili niyang publishing house si Leonard Donovan. He's known for being strict, efficient, a perfectionist, and a cold-hearted person. Wala sa bokabularyo niya ang tamad, manloloko, at pag-ibig. He was shattered to pieces...