Chapter 17
Nandito ngayon si Sierra sa isang restaurant at hinihintay ang author na papakitaan niya ng mga nagawang book covers.
Huling author na ngayon at isa't kalahating linggo na lang ay kailangang matapos na ang lahat. Mabuti nalang at mabilis ang pagtatrabaho ni Sierra, makakatulong kase ang mabilis na pagtapos ng mga book covers para wala nang problema sa isang libro. Yun kase ang pangalawang pinakakomplekadong parte ng libro. Una ay ang pagrerevise ng plot ng story o kung paano isinulat. Pangalawa ang book cover na gusto ng author at pangatlo ang over-all package at price.
Nakita niya ang babaeng nakayellow at pula ang buhok. Ngumiti siya nang mapalapit ito at inilahad ang kamay.
Nagsimula silang mag-usap at nagtagal din iyon ng halos isang oras. Marami kaseng kinikwento ang babae na pinakinggan naman ng mabuti ni Sierra.
Nasiyahan ito sa mga proposals niya at nahirapan sa pagpili ng book cover pero sa huli, napagpasyahang may tatlong iba't-ibang cover ang libro nito which is a good idea din naman.
Bumalik si Sierra sa opisina at nakitang napakabusy ng lahat. Super hectic na ng mga schedule nila at dahil tapos na ang trabaho ni Sierra, nagpasya siyang tulungan ang mga kasama. Mga bagay na ipapaphotocopy or ipapaprint. Pagdedeliver ng mga papel doon at dito. Kahit anong maitulong niya. Ganun talaga ang ginagawa niya.
Matapos ang napakabusy'ng araw, umuwi si Sierra sa apartment niya na fulfilled pero pagod.
Naghanda siya ng makakain at tinanggal ang hearing aid niya. Nagshower at binuksan ang laptop.
Nakita niya ang bilin ni Jany sa kanya at napangiti siya.
Pinadalhan ito ng email at ininom ang gamot na sinabi nito.
Nagbasa muna ng libro si Sierra at nang maramdaman ang antok ay nagpasya nang matulog. Busy na naman siguro bukas pero okay lang.
Masaya siya sa trabaho niya.
. . .
Nagising si Sierra ng mga 5:45 na ng umaga. Agad na naligo, nagbihis at nagluto ng agahan.
Bago umalis ay chineck na muna ni Sierra ang mga left messages sa telepono niya kung meron man.
Napabuntong-hininga siya ng marinig ang boses ng ama.
"Sierra anak, your tita's and tito's send their regards to you. They all miss you anak. Sana someday, makapunta ka. Your cousins are looking for you and invited you to their party this—"
Hindi na niya pinatapos ang sasabihin nito.
Nagpasya siyang pumunta na sa opisina. Baka masira pa ang araw niya kapag hindi pa siya umalis sa apartment niya.
Nang makarating sa kompanya ay gulat siya ng makasabay na naman si Mr. Donovan.
This time, she greeted him politely which he answered with a nod.
She silently rolled her eyes at hindi pinansin ang lalaki. There's an awkward silence inside the elevator pero sanay na si Sierra na ganun.
Nang tumunog na ang elevator at bumukas ang pinto nito—nagpasalamat si Sierra sa mga anghel. As usual pinauna niyang maglakad ang lalaki para hindi sila sabay at dumiretso sa kusina matapos mailagay ang mga gamit sa cubicle.
. . .
"Excited na ako sa darating na three days team building ng company," sabi ni Jax.
Siguro ay halata ang pagkunot ng noo ni Sierra dahil nagsimulang magpaliwanag si Jax.
"Every year, may ginaganap na three days team building ang company sa ibang lugar, malamang, at masaya yun girl. Alam mo kung bakit?"
"Kase magiging malapit tayo sa lahat ng department." Sagot ni Sierra.
Napatango ang kaibigan," well isa nga yun sa dahilan pero ang point ko ay... maraming mga bago at poging lalaki akong makikilala."
Nagmake-face si Sierra na tinawanan naman ni Jax.
"Ano ka ba. Baka dun ko na makita yung forever ko girl. Maging masaya ka naman para sa akin."
"I'm so happy for you," sarkatiskong sagot ni Sierra.
"Ay bongga. You're the best. Sure ako girl, magiging masaya 'yon. Mag-ienjoy ka." Sabi nito.
Sa tingin din naman ni Sierra ay mag-ienjoy talaga siya sa team building na iyon lalo pa't kasama niya ang kaibigan.
. . .
Isang linggo na ang nakalipas, halatang pagod na ang lahat.
Mabuti nalang at naapproved na ang mga libro at kasalukuyan nang gumagawa ng copies both softbound and hardbound.
Kasalukuyan ding nasa conference room ang lahat ng department heads, manager, at iba pa.
Pinagpaplanuhan ata nila ang team building na mangyayari na three days from now.
Excited ang lahat dahil saktong-sakto na kailangan nila ng day-off lalo pa't kagagaling lang nila sa gyera.
Nagpasyang umidlip na muna si Sierra. May 30 minutes break din naman sila.
"Ma, g-gising po. M-ma!" Iniyugyog ng mahina ni Sierra ang Mama niya peri hindi ito kumikilos.
Ang Nanny Ana naman niya ay puno ng dugo ang ulo at parang nahihirapang huminga.
"Nanny Ana! Gising po. May tutulong po sa atin. Ma! Nanny Ana!" Patulog lang si Sierra sa pagtatawag ng pangalan ng dalawang babae sa kaliwa at kanan niyang nakayakap sa kanya.
Bumagsak ang eroplanong sinasakyan nila.
Hindi alam ni Sierra pero puno ng usok ang buong eroplano. Ramdam niya rin ang kirot sa tenga niya at parang manhid ang mga ito.
Iniyugyog niya ulit ang ina. Nakahiga lang ito at parang natutulog.
Pinilit ni Sierra na tumayo sa pagkakahiga pero agad na sumakit ang ulo niya na para bang sinasaksak. Napakasakit ng katawan niya at may malaking sugat ang hita niya at paa.
Pero ang Mama niya, agad siyang napasigaw ng makita ang dugo sa ulo nito at ang mga sugat sa katawan nito. May napakaraming dugo sa pang-ibaba nito. Natatarantang lumingon si Sierra sa paligid.
Hindi niya alam ang gagawin.
"Ma, Nanny Ana, maghintay kayo okay? Babalik ako, maghahanap ako ng t-tulong. M-ma, maghintay ka sa akin." Sabi niya sa Ina at hinagkan ito sa noo at ang kapatid niya.
Hinagkan niya rin ang Nanny Ana at tinanggal ang yakap ng kamay nito sa kanya.
"Babalik ako. I love you ma, Nanny Ana, baby. Babalik a-ko."
Sierra.
"Sierra!"
Nagising si Sierra sa yugyog ng balikat niya. Napakalakas ng tibok ng puso niya.
Napalunok siya at napatingin sa gumising sa kanya.
Nakatingin si Jax sa kanya ng may pag-aalala.
"Okay ka lang girl?" Tanong nito.
Hindi agad nakasagot si Sierra at tumango lang.
Hindi rin nagtanong ang kaibigan at nagsalita ulit.
"May announcement si Ma'am Veena tungkol sa Team Building. Nakapagdecide na kung saan tayo pupunta." Sabi nito kaya napatayo si Sierra at nakita nga si Ma'am Veena sa gitna ng department nila.
Sinabi nito ang plano ng kompanya pero hindi niya masyadong narinig ang mga sinabi nito dahil sa panaginip niyang iyon.
Sumasakit na naman ang puso niya dahil sa panaginip na yun.
BINABASA MO ANG
𝙷𝚎𝚊𝚛 𝙼𝚢 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝 [𝙱𝚘𝚘𝚔 𝙸 & 𝙸𝙸]
RomanceIsang successful na CEO sa sarili niyang publishing house si Leonard Donovan. He's known for being strict, efficient, a perfectionist, and a cold-hearted person. Wala sa bokabularyo niya ang tamad, manloloko, at pag-ibig. He was shattered to pieces...