Chapter 23
So naaksidente pala ito 5 years ago kaya nagkaroon ito ng hearing impairment. Nakatingin si Leo kay Sierra ngayon.
Hindi niya alam pero for the first time, nabasa niya ang nararamdaman ng babae.
Hindi ito kumportable sa pinag-uusapan nila ngayon. Hindi pansin ng iba pero pansin ni Leo at ng kaibigan nitong si Mr. Rorez.
It's a sensitive topic for her, obviously. Para itong takot and Leo doesn't know why but he didn't liked what he's currently seeing.
He hated to see her so lost. It's quite shocking to finally read her actions and fear pa ang unang makikita niya sa babae.
At lalong nacurios si Leo ng sagutin ng babaeng ang pangalawa at pangatlong tanong with a simple and direct words, no stories behind it.
Kung malaki ang possibility na makarinig ito ulit, bakit hindi ito nagpaopera all these years? 5 years ago pa ang aksidente and money isn't a problem with her given na isa sa mga pinakamayamang businessman ang ama nito and she's a successful woman.
Well, wala namang ibang pwedeng gawin si Leo but to wonder why, how, and every other question marks about her. It's not like he could interfere with her life.
Natigilan sa pag-iisip si Leo nang magtama ang mga mata nila ni Sierra. Para itong nagulat.
At mas tumahimik ang mga empleyado niya.
Nagtaka siya. Napatingin siya kung saan nakatingin si Sierra.
Kay Leo nakaharap ang bibig ng bote. Sh*t! Does this mean sasagot din siya?
Bakit ba siya sumali sa larong 'to?
Tumingin siya kay Veena at tumango ito habang nakangiti. May gana pa itong ngumiti eh ito pa mismo ang bigla nalang humablot sa kanya kasama ang mga lalaking empleyado para ipasali siya sa larong ito.
Ano naman kaya ang itatanong nila sa kanya?
Wala naman nakakaalam ng background niya.
Keep calm Leo.
Now he understand Sierra's feelings when she answered the sensitive questions about her past.
. . .
Kung tahimik kanina ng magtanong ang mga kasamahan nila sa kanya. Mas tahimik ngayon.
Si Mr. Leonard Donovan ang tatanungin. Ang daming pwede itanong pero sa kasamaang palad, three questions lang kailangan. At hindi alam ng lahat kung sasagot nga ba ang boss nila. But this is their only chance.
At oo nga naman, napili sa Jax sa mga magtatanong, mas kinabahan si Sierra. Ano kayang itatanong ng kaibigan niyang walang preno ang bibig?
Si Jade, isang editor ang unang nagtanong.
"Ahm, Mr. Leonard, i-ilan po kayong magkakapatid?" Halatang medyo kinakabahan nitong tanong.
Oo nga, hindi alam ni Sierra kung may kapatid ba ito o wala. Pati mga parents nito ay walang masyadong nakakaalam kung sino at nasaan.
Seryoso ang mukha nito at halatang may tensyon sa paligid,
"I have a younger sister and a half-brother," sagot at napatango lahat ng sabay-sabay.
Half-brother? Nagpakasal ba ulit ang Mom nito or Dad nito? Halatang maraming mga bagong tanong ang kumawala sa mga mukha ng mga kasamahan ni Sierra at pati na rin sa kanya.
"Saan po ang parents niyo," hindi alam ni Sierra kung nakita niya ba ng maayos pero mas sumeryoso ang mukha ng lalaki. He clenched his jaw at bahagyang kumunot ang noo.
BINABASA MO ANG
𝙷𝚎𝚊𝚛 𝙼𝚢 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝 [𝙱𝚘𝚘𝚔 𝙸 & 𝙸𝙸]
RomantizmIsang successful na CEO sa sarili niyang publishing house si Leonard Donovan. He's known for being strict, efficient, a perfectionist, and a cold-hearted person. Wala sa bokabularyo niya ang tamad, manloloko, at pag-ibig. He was shattered to pieces...