Book II - Chapter I

825 25 3
                                    

Nagising si Leonard ng maaga. Nakangiti habang nagsisimulang timplahin ang kape niya.

Nang makaupo sa stool ng kusina, hindi niya napigilang haplusin ang mga labi.

"Mahal na mahal kita Leonard,"

Sh*t!

"Aray!" napaso tuloy siya ng iniinom na kape. Malas talaga siya pagdating sa kape.

"*sigh* This feels like a dream," finally, he can freely say 'I love you' to Sierra. Hindi na niya kailangang pigilan ang sarili niya kase pareho sila ng nararamdaman, luckily, mahal din siya nito.

Napakaswerte talaga niya rito.

Hindi niya napigilang padalhan ito ng text message.

To: Sierra (My Love)

Good morning, have a great day Sierra. I love you!

Sent!

Para siyang asong ulol sa laki ng ngiti niya. Hindi sila magkikita ngayon, gusto man ni Leo'ng bisitahin ito ay kailangan din naman ni Sierra ng oras para sa sarili.

Naisipan niyang tawagan si Marcus.

"What a surprise my man, may maganda ka bang balita?" Masigla ang boses nito. Alam ni Leo na alam na ng kaibigan ang sasabihin.

"I said it! Finally!" Pati siya ay napatayo dahil sa excitement.

"See? I can hear it in your voice Leonard. I'm so happy for you!" Napangiti siya at naalala si Sierra.

"I feel so out of this world. Thank you so much Marcus."

"Anytime my friend. Kaya ngayon, please excuse me dahil inistorbo mo ang pangseseduce ko sa maganda kong asawa." Narinig niya pang may tumawa sa kabilang linya. Si Jessica siguro yun, asawa nito.

"Umagang-umaga Marcus," biro niya pa rito.

"What can I say Leo. Someday, maiintindihan mo rin ako."

Alam na niya kahit ngayon pa lang.

"Jessica greeted you a happy morning,"

Napangiti siya,"Good morning din. Sige na, salamat sa tsaka pasensya sa istorbo." Tumawa ito at matapos magpaalam ay ibanaba ang telepono.

Leonard sighed.

"Makikita ko din naman si Sierra mamaya pero I already miss her so much."

. . .

Maagang nagising si Sierra at agad na nag-ayos, naglinis ng buong apartment saka kumain. Ininom ang gamot tsaka umalis. 

Dumaan na muna siya sa paboritong flower shop saka dumiretso ng sementeryo.

"Good morning Ma, baby bunso," bati niya ng mahawakan ang lapida nito saka ang lapida ng kapatid na nasa tabi lang ng ina.

"Hindi ko alam ang sasabihin, lutang ang puso ko. Pero alam ko na kikiligin ka kapag nalaman mo ang mga nangyari sa akin Ma." Napangiti si Sierra. Naisip niya ang ngiti ni Leonard saka naramdaman ang pag-init ng pisngi ng maalala ang nangyari kagabi.

"Sobrang swerte ko Ma. Siguradong magugustuhan niyo siya." Napapikit siya ng maramdaman ang malamig na hangin.

"Lalo ka na baby bunso, sigurado ako magiging spoiled ka pagdating kay Leo."

"Siya kase yung tipong nagbibigay ng bulaklak kahit walang okasyon tsaka palagi niyang pinaparamdam na importante ako, at mahal niya ako Ma." 

"Mahal na mahal ko din siya. Sobra."

𝙷𝚎𝚊𝚛 𝙼𝚢 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝 [𝙱𝚘𝚘𝚔 𝙸 & 𝙸𝙸]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon