"Are all of this finished?" Kaharap ni Sierra ang Head ng Contracts & Legal Department ng kompanya. Maraming books ang ipapublish this month at kung busy sila last month, mas busy ngayon. (Though busy naman talaga sila kahit anong buwan).Pang-ilang ulit na ba niyang sinasabi yan?
"Yes Ms. Marion, everything is settled." Tumango siya sa lalaki.
"Okay, ibibigay ko 'to kay Mr. Donovan and we'll wait for his review and then I'll update you." Saka ito umalis.
Inayos ni Sierra ang schedule ni Leo at chineck kung ano na ang kasalukuyan nilang dapat gawin. Hapon na at napakaseryoso nila sa trabaho lalo si Leonard. Mr. Marcus' book sold 10,000 copies in a week. It was so successful given na isa iyong biography book. Naging laman na rin yun ng newspapers at ang daming tawag na natanggap ng kompanya after what happened kaya sobrang busy.
Bukas, sa bahay ni Mr. Marcus' maglalunch si Leonard. Nagsimula siyang maglakad papunta sa pintuan ng opisina ni Leo saka kumatok na muna bago pumasok.
"Hi," sabay silang napangiti ng magtama ang mga mata. Ginulo nito ang buhok na nagsasabing pagod na ito, unconsciously.
He did looked tired.
Ibinigay niya ang makapal na folder na ibinigay sa kanya kanina ng manager saka tumingin sa iPad na dala niya.
"Your remaining schedules are; 3:30PM we will be having a meeting with Mr. Sanches along with his editor which is 45 minutes from now, 6:00 dinner with Mr. Jang.
Bukas ng 8:30AM, meeting with the department heads for the budget campaign. 11AM meeting with the scheduled authors. 12PM lunch with Mr. Marcus, 3PM you have to attend the opening ceremony for HHQ store at the Green Castle Mall. 4PM continue reviewing the contracts tapos 6PM we should submit it to the board." Nakatingin lang ito sa kanya ng matapos siyang magsalita.
"Sounds fun . . ." Sabi nito maya-maya.
Nakatitig lang si Sierra sa mukha nito when he signaled for her to go closer to him. Which she gladly did.
Napangiti siya ng sinyasin nito ang pisngi nito.
Lumapit si Sierra saka hinalikan si Leo sa pisngi.
"You look pale Leonard. Are you sure don't want to rest?" Hinaplos lang nito ang pisngi niya.
"You . . . look pale too. Ikaw dapat ang hindi masyadong magpagod." Nagkatinginan lang sila sa isa't-isa.
Nang magpout si Leo ay si Sierra na mismo ang kusang nagbigay ng halik sa labi.
"Hmmm, my energizer. Thank you my love." Naramdaman niya ang pag-init ng pisngi. Pareho silang natahimik pagkatapos ng mga salitang yun.
Pati si Leonard ay natigilan at hindi na alam ni Sierra kung anong kulay ng mukha niya. Tama ba ang narinig niya?
My love?
Maya-maya pa ay dahan-dahan siyang hinihila nito ng papalapit saka niya naramdamang nakaupo na siya sa hita nito.
Ngayon, nakangiti na silang dalawa na parang nahihiya sa narinig.
Sinubukang pataasin ni Sierra ang volume ng hearing aid. Her heart feels like crazy. Hindi niya kailanman naimagine na bibilis ng ganito ang tibok ng puso niya one day, kapag may nagtawag sa kanya in that manner. So loving and tender.
"Anong ginagawa mo?" tanong maya-maya ni Leo while gently holding her close to him. Nakasmirk na ito sa hinaplos pa ang namumula niyang pisngi.
"Hindi ako sure sa narinig ko kaya sinusubukan kong pataasin ang volume ng hearing aid ko---" hindi pa man natapos ni Sierra ang sasabihin ay agad nang kinuha ni Leo ang kamay niya saka iyon hinagkan sabay titig sa mga mata niya.
BINABASA MO ANG
𝙷𝚎𝚊𝚛 𝙼𝚢 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝 [𝙱𝚘𝚘𝚔 𝙸 & 𝙸𝙸]
RomanceIsang successful na CEO sa sarili niyang publishing house si Leonard Donovan. He's known for being strict, efficient, a perfectionist, and a cold-hearted person. Wala sa bokabularyo niya ang tamad, manloloko, at pag-ibig. He was shattered to pieces...