HMH - Chapter 14

1.3K 35 0
                                    

Chapter 14

Sierra is confused. Nandito sila ngayon sa harapan ng pintuan niya. Siya at ang dating boss niya, si Mr. Leonard Donovan.

Ngayon lang natitigan ng maayos ni Sierra ang lalaki.

Nagtataka siya kung bakit nakatingin lang din ito sa kanya. Para silang mga ewan ngayon sa totoo lang.

Hanggang ngayon nga ay hindi pa rin maalala ni Sierra ang mga nangyari noong araw na natanggal siya sa trabaho. Hindi niya maalala kung paano niya nabangga ang lalaking nasa harapan niya ngayon. Ni ang pagkuha ng kape ay hindi niya matandaan.

She was high that day. Maybe. High about the past. Nung araw kaseng 'yon parang ang present at past nagtugma and nothing was more heartbreaking than that.

Her feelings five years ago felt raw that day. Kaya siguro gano'n na lang ang nangyari.

"Would you mind if I come in?"

Natauhan si Sierra nang magsalita ang lalaki.
Ngayon lang din niya narinig ng maayos ang boses nito na hindi sumisigaw o galit.

Pero pumasok agad sa utak niya ang tanong nito.

Would she mind? Definitely.

"Hindi sa pangbabastos pero I mind. Let's get this straight Mr. Donovan, what are you doing here in my apartment? What do you want?"

Medyo nabigla ito sa sagot niya. Siguro siya ang unang babae na tumangging papasukin ito sa isang apartment.

She doesn't have to be polite, matapos siya nitong insultuhin at idiscriminate, he should expect this kind of treatment from anyone who was fired rudely, especially from her.

Well, sanay na din naman si Sierra na iniinsulto so wala na 'yon sa kanya.

He cleared his throat and adjusted his tie. Tumingin ito sa mga mata niya at nagsimulang magsalita.

"I don't think its appropriate for us to be talking outside Ms. Marion." Sabi nito pero nakatingin lang din si Sierra sa lalaki at naghihintay na magpatuloy ito.

Naghintay din ito na magsalita siya pero she did not said anything so he sighed heavily and started talking.

"I'm sorry. I'm sorry for what I've said. I was angry that day,"

napataas ang dalawang kilay ni Sierra na napansin ng lalaki,

"Okay, I'm always angry. But in that particular day, I was more than angry. I was mad. Hindi ko dapat sinabi ang mga sinabi ko sayo and it's very unfair to you. Hindi ko lang talaga gusto ang mga manloloko. If I have known about your condition in the first place—"

"—hinding-hindi mo ako tatanggapin sa kompanya mo." Sabi ni Sierra.

"No, with your skills, I will definitely hire you but I would've helped you and make your work easier."

"Hindi ko kailangan ng tulong or awa Mr. Donovan, I can take care of myself, I finished my Masters on my own—"

"—that's not what I meant Ms. Marion. I-I just wanted you back in my company."

Natigilan si Sierra.

He wanted her back in his company? Bakit? Marami namang iba di ba?

Nakatingin lang ito sa kanya at hinihintay na magsalita siya.

She realized this will be a very long conversation indeed kaya nagpasya siyang papasukin na lamang ito.

"Come in Mr. Donovan." Napansin niyang huminga ito ng malalim at pumasok.

"Coffee, tea, water, juice? May avocado shake din ako. If you want?" Sabi niya at pinaupo ito sa sofa sa living room niya.

"Water nalang please. Thank you,"

"Sure? Sobrang init sa labas, masarap ang avocado shake na ginawa ko." Parang nabigla ito sa sinabi niya.

"Avocado shake na rin if you don't mind." Napatango siya.

Kumuha siya ng isang baso ng tubig kasabay ng avocado shake na ginawa niya kanina at bumalik sa sala.

Hindi madescribe ni Sierra kung ano ang pakiramdam niya sa kasalukuyan. Napatingin sa paligid ang lalaki at nang makita ang avocado shake ay agad nitong ininom iyon.

Kahit umiinom ito ay parang may aura pa rin itong napakacold and mysterious.

Nakatingin lang si Sierra sa lalaki at nang matapos itong uminom ay napatingin rin ito sa kanya.

"Tama ba ang narinig ko kanina Mr. Donovan?"

Tumango ito,

"Ms. Janet only wants you to make her book covers and no one else. Nakakuha kami ng tatlong bagong graphic designer na pumalit sayo pero palpak lahat ng 'yon,"

Silently, Sierra smiled. Buti nga sa kanya.

"And I reviewed the ratings for the past month and you really contributed big to your departments performance like Zola told me."

Nabigla si Sierra.

"Si Ma'am Zola?"

"She called me and explained everything. That was a really bad move of me Ms. Marion." Sabi nito.

Hindi nagsalita si Sierra.

Si Ma'am Zola. Nagpapasalamat talaga siya sa babae.

"Kung gugustuhin mo pa rin Ms. Marion, I want you back in my company. I want to hire you again," sabi nito na seryosong nakatingin lamang sa kanya.

Naalala niya si Jax, sina Ma'am Veena at iba pa. Wala na din naman siyang mapapasukan na ibang trabaho kundi ang kompanya nito.

Tumango siya at halatang kumalma ang lalaking kaharap.

"I will accept your offer Mr. Donovan. Thank you for hiring me once again." At inilahad ang kamay na tinanggap naman nito.

. . .

Leo immediately sighed when he felt the soft cushion of his king-sized bed.

Wala na siyang iisipin pa. Tinanggap ni Sierra Marion ang alok niya na bumalik sa kompanya.

He never felt that nervous for a while now.

Nang pagbuksan siya nito ng pintuan, doon lamang niya natitigan ng mabuti ang babae.

She really is classy at halatang anak mayaman pero napakasimple lang nito. Napakaminimal looking ng apartment nito at hindi puno ng mga mamahaling furnitures. Napakalinis at homey pero napakatahimik din.

Far from what he expected. Halatang napakaindependent nito and he liked that.

He was amazed. Really amazed by her.

He really was wrong at everything he thought about her.

The way she speaks, so confident and she knows where she stands.

Hindi pa siya nakakakilala ng babaeng gano'n.

And he was shocked by his own self. Ang plano ni Leo habang papunta pa lang siya sa apartment ng babae ay magsosorry lang siya at agad na sasabihin ang pakay. Pero hindi siya makapaniwala nang hindi siya nito pinapasok sa apartment nito.

He felt pathetic and his pride was hurt pero he understood her behavior. Napakaunexpected nga lang nang hindi siya nito papasukin sa apartment nito.

And he blurted out things he haven't planned to say. Kusang lumabas sa bibig niya ang mga sinabi at nataranta siya sa titig nito.

She was very mysterious and that made him feel confused. He can't read her. Not at all.

Hindi niya talaga alam kung anong nangyari ngayong araw.

Pero kinalimutan na lamang niya ang mga iniisip at nagpasyang matulog.

Atleast nabawasan na ang problema niya. Empleyado na niyang muli si Sierra Marion.

And he will not act like how he acted in front of her earlier again.

Sisiguraduhin niya iyon.

𝙷𝚎𝚊𝚛 𝙼𝚢 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝 [𝙱𝚘𝚘𝚔 𝙸 & 𝙸𝙸]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon