HMH - Chapter 50 [Part Two]

911 22 3
                                    

Chapter 50 (Part Two)

Buong araw nasa isipan ni Leo ang napag-usapan nila ni Mr. Rorez or Jax.

Buong araw niya ring namiss si Sierra. Hindi niya nagawang pumunta sa apartment nito noong lunch kase may meeting with the directors tapos iginugol niya ang oras sa pagcheck sa mga background ng mga employee lalo na kay Ms. Cruz.

Marami ngang complains and as of 3 o'clock, tatlong empleyado na ang natanggalan ng trabaho kase ang dami palang mga complains na hindi umabot sa kanya. Pati ang head ng consultatin department ay binigyan ni Leo ng warning at sinuspende.

Kapag gusto ni Leo'ng tawagan si Sierra, pinipigilan niya ang sarili at palaging sinasabi na makikita niya ito mamaya pagkatapos ng trabaho.

Pinili niyang bigyan ng benefit of the doubt ang tinutukoy ni Mr. Rorez na si Ms. Cruz dahil wala pa siyang patunay na hinaharass nga nito si Sierra.

Kapag napatunayan nga niya yun o kahit sino ang mapatunayan na may nanghaharass talaga kay Sierra at sa ibang emepleyado, hindi talaga alam ni Leonard kung anong magagawa niya sa kung sinumang yun. Ang ideya pa nga lang na meron ay nagpapakulo na ng dugo niya.

Pinilit niyang magconcentrate at inilaan lahat sa trabaho.

"Miss ko na si Ms. Marion. . ." Nang mapatingin sa screen saver ng phone niya, napangiti si Leo.

Walang paki si Leo kung anong iisipin ng tao kapag nakita siyang ganun, pero miss na niya ang magandang babaeng nakangiti sa harapan niya ngayon. Nakatitig siya sa litrato nito noong first official date nila. Malaki ang ngiti nila habang nakatitig sa camera at nakaholding hands. Kinuhanan sila ng mga staff ng ibinalita niyang official na sila ni Sierra.

To: Sierra (My GIRLFRIEND <3)

Sie? I'll visit you there in 30 minutes. Okay ka na ba? Miss na kita.

Sent: 7:28 PM

Nagsimula nang ayusin ni Leo ang mga stack ng papeles pati ang ginagawang data sa pc niya. Iniba niya ang papeles na ihahatid sa 11th floor dahil ayaw na niyang iutos pa ito sa iba. Sinave niya na rin ang sariling schedule tsaka inayos ang mukha.

Kailangan niyang maging presentable sa harap ng nobya niya.

. . . Sh*t! Kahit ngayon ang sarap pa ring pakinggan ng salitang yun! Kailan ba siya makakamove-on?

Medyo nawala ang pag-alala niya sa mga pangyayari at patuloy lang sa pag-iimagine ng mga bagay-bagay tungkol kay Sierra.

Ang cute pa naman nito kapag nagbablush. Tsaka kapag ngumingiti ito sa kanya, haaaaay, para siyang nasa langit. Napahawak si Leo sa dibdib, iniisip pa lang niyang makikita niya ito maya-maya, sobrang saya na niya saka may kaba.

Miss na miss ko na siyaaa.

Napatingin si Leo sa kung saang floor na ba siya ng maalala niya ang papeles na ibibigay sa assistant director na nasa 11th floor.

"Great! Just great, Leonard!" At agad niyang pinindot ang stop button saka open elevator door. Nasa private elevator niya si Leo. Napasapo siya sa noo at napangiti.

"I'm so stupid." Sa sobrang excited niyang makita si Sierra, nakalimutan niyang may ibibigay pala siya sa assistant director na mga papers.

Mabuti nalang ang reflex niya at nakababa sa mismong floor. It would be a waste kung nakalabas na siya sa kompanya at dun niya pa naalala. Naglakad nalang siya at tumungo sa hallway papuntang office ng director sa magazine department. Minsan lang siyang mapatungo doon at hindi na siya nakasuot ng suit kaya hindi siya masyadong kilala ng mga empleyado, siguro.

𝙷𝚎𝚊𝚛 𝙼𝚢 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝 [𝙱𝚘𝚘𝚔 𝙸 & 𝙸𝙸]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon