Chapter 11
Nakahiga si Sierra sa kama niya.
Hindi pumapasok sa isipan niya ang mga nangyari kanina.
Wala na siyang trabaho.
Just like that. Gano'n lang kasimple.In the end. It was just like the other companies did. They fired her because of her disability.
Sabi nga ni Mr. Donovan,
"Ayaw kong may abnormal na empleyado sa kompanya ko."
Napatingin si Sierra sa oras.
9:30 palang ng gabi pero parang pagod na pagod na siya.
Jax cried earlier, nang magpaalam si Sierra. And she was sad to see her friend cry.
Everyone in their department felt disappointed with how Mr. Donovan acted and some of them felt angry.
She was grateful to meet people like them though. She was very thankful.
Nagpaalam siya ng maayos at sinabihan si Jax na magkikita pa rin naman sila at sasamahan niya itong magboy-hunt everytime he wants.
Humingi ulit siya ng tawad kay Ms. Zola pero sinabi nitong plano na rin daw nitong magresign. Lalo pa at buntis ito for two weeks now.
Hindi rin daw makakabuti rito ang sobrang stress lalo pa't ang boss nila ay isang malaking walking danger zone. Para itong bulkan na kahit ilang minuto lang ay sasabog at bubuga na ng mainit na lava.
Pinagtawanan nila ito at nagpapasalamat si Sierra sa sinabi ng babae.
"You are a brave woman Sierra. That jerk did a wrong move. Nawalan siya ng napakagaling na empleyado. I am sorry for what happened and what you've experienced Sierra. You didn't deserve it." Sabi nito sabay nagpaalam sa kanya ng sunduin ito ng nobyo at soon-to-be husband nito. Nagawa pa siya nitong imbitahin sa kasal nito at nangako si Sierra na pupunta siya.
Nalulungkot man dahil mahal ni Sierra ang ginagawa, kailangang magmove-on siya at maghanap ulit ng trabaho. One that wouldn't discriminate her about her disability.
Hindi alam ni Sierra kung nalungkot ba siya dahil nawalan siya ng trabaho or hindi. She expected to be fired earlier than this pero naswerte lang siguro dahil after two months pa pala mangyayari.
She left Jany a message at pinaalam na wala na siyang trabaho with the usual reason. Alam na nito kung ano 'yon.
And for sure bukas, tatawag 'yon.
But for now, she doesn't want to talk to anyone. At wala din naman siyang makakausap dahil mag-isa lang siya.
She decided to sleep and prayed to have a peaceful night. Ayaw niyang mapanaginipan na naman ang mga nangyari noon.
Flashback
Nakaupo si Sierra sa upuan at masayang tumitingin sa mga old photos ng pamilya na nasa laptop niya.
Tumingin siya sa Mama niya at napangiti ng makitang itong hinihimas ang tiyan.
Lumapit siya rito at hinawakan iyon dahilan para tumingin ang ina sa kanya.
"Napakalikot ni baby. Excited na rin siyang makapunta ng Baguio." Sabi nito at napangiti si Sierra.
Sinimulan niyang himasin ang tiyan nito at inilapat ang tenga rito. Narinig niya ang pagkilos nito at ramdam na ramdam ang paa ng kapatid.
BINABASA MO ANG
𝙷𝚎𝚊𝚛 𝙼𝚢 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝 [𝙱𝚘𝚘𝚔 𝙸 & 𝙸𝙸]
RomanceIsang successful na CEO sa sarili niyang publishing house si Leonard Donovan. He's known for being strict, efficient, a perfectionist, and a cold-hearted person. Wala sa bokabularyo niya ang tamad, manloloko, at pag-ibig. He was shattered to pieces...