Chapter 47
Hindi pa nakaramdam ng ganito si Sierra sa buong buhay niya.
Tapos na ang date nila ni Leo at may trabaho pa bukas kaya pabalik na sila sa apartment niya. Tahimik silang dalawa ni Leo pero mahigpit na magkahawak kamay.
Parang nakalutang si Sierra sa ulap.
I like you. I like you Sierra. So much...
Hanggang ngayon hindi pa rin bumabalik sa normal ang pintig ng puso niya.
And you would make me incredibly happy...
if you would allow me to be your boyfriend?
Hindi siya makahinga.
Flashback
Nakatitig lang sila sa isa't-isa at hindi alam ni Sierra ang sasabihin. Naiiyak siya dahil sa napakaraming dahilan.
Masaya. Nalilito. Masaya. Speechles. Masaya.
Parang nakakalimutan na nga yata niya kung paano huminga.
"Sie?" Humigpit ang hawak nito sa kamay niya na kailangang-kailangan niya.
". . . yes," pati siya hindi niya narinig ang sinasabi. Naka-on ba ang hearing aid niya?
Nakatingin lang siya sa mukha ni Leo na halata nang kinakabahan at naghihintay ng sagot.
Gusto niya si Leo.
"Yes," Bigla itong nagulat ng marinig ng mabuti ang sinabi niya.
"Yes?" tanong nito at dahan-dahan nang napapangiti.
Dahan-dahan siyang napatango sa tanong ni Leo. Teka, ano bang tinanong nito?
Maya-maya pa napahinga ng malalim si Leo at bigla siyang niyakap.
"I can't believe this. You're. . . mine. Am I your boyfriend now?"
Hindi alam ni Sierra kung anong ibig sabihin ng sinasabi nito. Siguro tumango siya pero hindi na niya naiintindihan ang nangyayari.
Ang nasa isip niya lang ng mga oras na yun ay kung bakit ang ganda ng ngiti nito at ang kamay nitong nasa bewang niya matapos siya nitong yakapin.
Ang tanging nasa isip niya ay kung paano siya kaswerte na dumating ito sa buhay niya.
Sobrang saya ng puso niya. Nanaginip ba siya?
End of Flashback
Tahimik silang pumasok sa building at elevator.
Nang makarating sila sa tapat ng apartment niya mahigpit pa rin itong nakahawak sa kamay niya.
He sighed but didn't let go of her hand but instead he pulled her closer to him. Niyakap siya nito.
"I am so happy Sierra. I've never felt this happy for a very long time. Thank you." Tumingin ito sa mukha niya.
Sierra willed herself to talk.
"Leo, I. . ." napalunok siya. He deserve to know what she feels. She decided to just be herself, go with flow, and be happy.
"I like you too." Nakatitig ito ng mabuti sa kanya at maya-maya'y ngumiti.
"Can I be happier than I already feel right now? Baka mabaliw na ako nito Sie." Tanong nito dahilan para mapatawa silang dalawa.
BINABASA MO ANG
𝙷𝚎𝚊𝚛 𝙼𝚢 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝 [𝙱𝚘𝚘𝚔 𝙸 & 𝙸𝙸]
RomanceIsang successful na CEO sa sarili niyang publishing house si Leonard Donovan. He's known for being strict, efficient, a perfectionist, and a cold-hearted person. Wala sa bokabularyo niya ang tamad, manloloko, at pag-ibig. He was shattered to pieces...