HMH - Chapter 38

1.2K 32 2
                                    

Chapter 38

Nagising si Sierra dahil sa vibration na naramdaman niya sa kanyang pulso.

Agad siyang napaupo at sinuot ang hearing aid. Dumiretso sa banyo at ginawa ang morning routine niya.

Pagkatapos ay dumiretso sa kusina saka nagsimulang magluto.

Habang hinihintay ang pagkain, binuksan ni Sierra ang kanyang laptop at Skype.

Kakaopen pa lang niya ng app ay bigla nang tumunog iyon—si Jany—tumatawag.

Nakangiting sinagot ni Sierra iyon at nadatnan ang kaibigan na may dalang baby.

"HAPPY BIRTHDAY SIERRA!!!" Masayang bati nito.

Natauhan agad si Sierra. Birthday niya pala ngayon?

Nakalimutan niya na. When she was in the US, hindi siya nagsicelebrate ng birthday niya.
It helps her forget about things and about the past. Noon kase kapag birthday niya, palagi siyang sinusorpresa ng Mama niya at Papa. Pati si Nanny Ana ay hindi nawawalan ng regalo.

Until now, nasa kanya pa rin ang mga regalong natanggap mula sa mga magulang at Nanny ever since she was a child.

And even though her Dad keeps sending her gifts when she moved in the US, hindi niya iyon binuksan, ni isa sa mga ito.

"Nakalimutan mo na naman no?" Tanong ni Jany. Alam na talaga siya nito.

It was only Jany who keeps on celebrating her birthday. Ito lang ang kaibigan niya doon. Though medyo malayo sila, Jany always takes her time to visit her para makapagbonding silang dalawa.

"Thank you Jany, is she my pamangkin/inaanak?" Excited na tanong niya rito.

What a way to greet her morning. Ang cute nitooo! Mamula-mula pa ang pisngi at ang halatang maganda ito.

Tumango si Jany.

"Meet Alissa Ione, baby, meet your Tita/Ninang." Pakilala nito sa kanya.

Napangiti ng napakalaki si Sierra.

"What a beautiful name Jany. It suits her perfectly. Sinong nakaisip?"

"Nagpakasunduan lang namin ni Carl. It just came to our minds and then its decided." Nakangiti nitong sabi sa kanya habang nakasulyap sa anak nito.

She felt happy seeing her best friend with her own child.

"She's beautiful Jany. Mana sayo," sabi ni Sierra.

"You heard that hon? Mana daw sa akin." Natatawang sabi ni Jany sa husband nito na siguro'y nagtatrabaho or may inaasikaso.

Maya-maya pa ay nakita niya na ito sa monitor.

"No way Sierra. Sa akin nagmana si Baby Alissa. My genes are stronger than yours hon," sabi nito sa kaibigan niya sabay halik sa noo nito.

Nakangiti lang si Sierra habang tinitingnan ang dalawang nag-aasaran.

"By the way, happy birthday Sierra." Narinig niyang bati ng lalaki.

Nakaharap na siya sa ngayon ay handa nang pagkain.

"Thanks Carl."

Nag-usap pa silang magkaibigan at nang magsimulang umiyak si Alissa, nagpaalam na sila sa isa't-isa. Gutom na raw ang baby.

Naghanda na si Sierra para pumunta sa trabaho.

Nang makarating doon, agad na sinimulan niya ang paggawa ng book cover matapos macheck ang schedules ni Leo for the day.

𝙷𝚎𝚊𝚛 𝙼𝚢 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝 [𝙱𝚘𝚘𝚔 𝙸 & 𝙸𝙸]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon