HMH - Chapter 8

1.4K 32 0
                                    

Chapter 8

"Sierra girl? Hello? Naka-on ba ang hearing aid mo?" Panggugulo ni Jax kay Sierra.

She rolled her eyes at her friend. Sa isang buwan niya sa kompanya, naging napakaclose na niya kay Jax. Maituturing na niya itong bestfriend. Pati na rin ang mga kasamahan sa trabaho ay kaibigan na niya.

Nakakatuwa tsaka nakakaginhawa para kay Sierra ang ganoon. Walang stress at isa pa, napakaganda ng mga feedbacks ng mga authors sa trabaho niya. Ni isa ay wala pang nag-disapprove sa book covers na pinapakita niya, which is great.

Last week, natanggap ni Sierra ang first salary niya and she was very happy about it. Super happy and it's a breath of fresh air for her.

Lalo pa at ang turing sa kanya ng mga katrabaho ay isang normal na tao. Na para bang wala siyang hearing impairment. Wala siyang nakikitang mga awa sa mga mata ng mga ito. And it makes her feel accepted.

"Ano na naman ba Jax?" Tumawa ito dahil sa tono ng pananalita niya.

"Alam kong makulit ako girl at kasalanan mo dahil kinaibigan mo ang napakagandang katulad ko. Ayan tuloy, naging magulo ang everyday life mo."

Napangiti siya at humarap sa kaibigan.

"Ano bang kailangan mo ha?"

Nagpout ito at nagsimulang maglagay ng lipbalm.

"Kain tayo. Ano ka ba. Ang payat-payat mo oh. Hindi ka ba nagugutom?" Tanong nito.

"Nako, kung alam ko lang, gusto mong makita yung crush mo dun sa baba. Yung agent din pero sa ibang department." Biglang lumiwanag ang mukha nito ng mamention ang crush nito.

"Ang pogi niya kase tsaka ang yummy! Girl naman, ngayon lang ako nabighani ng totohanan sa isang keks na kagaya niya. Halika na. Support naman sa beauty ko."

She sighed and acknowledged her defeat. Hindi niya kayang 'hindian' si Jax.

"Sandali lang tayo dun kase ipapasa ko pa sa mga authors ang mga natapos kong covers okay?" Tumango ito sabay beautiful eyes.

. . .

Sandali nga lang sila sa cafeteria ng kompanya pero ang saya ni Jax pabalik sa cubicle nito.

Bumati rito ang kanyang crush at ngumiti pa.

Para itong nakalutang sa hangin.

Habang bumibili sila kanina ay may narinig na naman silang usapan tungkol sa boss nila. Sabi-sabi daw ay may apat itong sinisanteng trabahante.

Ang rason? Dahil ang bobo daw ng pagpresenta ng mga new ideas for the halloween season.

Nitong mga nakaraang linggo ay napansin ng buong kompanya ang madalas na pag-iinit ng ulo ni Mr. Donovan. Extra hot nga sabi ni Jax.

Nagtanong si Sierra kung hindi ba yun normal at sabi naman ni Jax ay mas lumala ngayon.

Noon ay natotolerate pa nito ang mga palpak na employees at hindi impulsive sa mga decisions nito pero ngayon, parang bulkang Mayon na raw ito. Isang mali lamang ang makita nito ay agad na umiinit ang ulo.

Nagtaka si Sierra pero binalewala lang niya ang balita. As long as she doesn't meet Mr. Donovan, she will be okay.

Nakawitness na din siya ng mga outburst nito pero hindi sa malapitan.

And that one time na nagkasalubong ang mata nila, yun na rin ang huli.
And she's thankful for that.

Hindi niya alam pero mas gusto niyang hindi siya mapansin ng boss. She wants his compliments and approvals regarding her work-of course-pero mas at ease siya dahil hindi niya ito nakikita.

𝙷𝚎𝚊𝚛 𝙼𝚢 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝 [𝙱𝚘𝚘𝚔 𝙸 & 𝙸𝙸]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon