Chapter 16
Habang nasa opisina si Leo at nirireview ang mga papeles para sa mga copyright infringement ng mga books ay biglang tumunog ang cellphone niya.
Napangiti siya ng malaki nang makilala ang caller id.
Rena.
"Hello kuya!" Masaya nitong bati.
"Hi my little sister! I miss you,"
"Little sister ka dyan. I'm not a kid anymore kuya, remember?" Natawa siya sa sinabi.
She will always be his little sister. Ito ang kanyang kapatid na si Rena, nakatira sa London kasama ang Mommy niya. Halatang may accent na ang pagtatagalog nito at english.
"Okay but what a surprise, bakit ngayon ka lang napatawag these past weeks?"
"Well, may sorpresa kase ako sa'yo." Nagtaka siya sa sinabi ng kapatid.
"Ano na naman yan," napatawa ang nasa kabilang linya.
"Nakalimutan kong mainit pala dito sa Pilipinas kuya," pagkasabi niyang yun ay agad na napatayo si Leo.
"What? You're here?"
"Surprise!!!" Sabi nito. Natutuwa man si Leo ay mas nag-alala siya sa kapatid.
"Where are you right now Rena? Susunduin kita. Ano ka ba, bakit hindi mo sinabi agad?" Sabi ni Leo habang nagsimula nang maglakad at kinuha ang suit sabay alis sa opisina.
Sinabihan niya na muna ang bagong secretary na aalis siya for emergency at hindi naghintay ng sagot tapos dumiretso ng elevator.
"Nasa airport ako ngayon obviously and I'm here for about 5 minutes. I'll wait for you here." Sabi nito.
Agad niyang inadjust ang kwelyo at agad na naglakad ng bumukas na ang elevator.
"Okay, wait for me there. I'm on my way." At tinapos ang linya saka sumakay agad sa kotseng pinakuha niya habang nasa taas pa lamang siya ng kompanya.
Napailing nalang si Leo
Rena always do things like this. She loves surprises very much.
Mabuti nalang hindi masyadong traffic ngayon at mabilis na nakarating ng airport si Leo.
Matapos alamin kung saang area naghihintay ang kapatid ay agad siyang dumiretso sa kinaroroonan nito.
Habang naglalakad patungo sa arrival area, agad niyang nakita ang matagal na ring hindi nakikitang kapatid.
Nang mapansin siya nitoy agad itong tumakbo papunta sa kanya at sinalubong siya ng yakap.
"Kuya!!! I miss you!" Sabi nito ng matapos siyang yakapin at hagkan sa pisngi.
Kinuha niya ang mga bagahe nito at masaya silang naglakad papunta sa kotse ni Leo.
"How was your flight Rena? How's Mom?" Tanong niya ng makapwesto na sila sa kotse ni Leo.
Ngumiti ang kapatid. Simula ng maghiwalay ang parents nila ay tumira na ang Mom at kapatid niya sa London. Noon, madalas siyang bumibisita sa kanila pero dahil sa mga nakaraang pangyayari sa buhay ni Leo ay hindi na siya masyadong nakakabisita sa Mom and sister niya. Busy din kase si Leo sa pagpapatakbo ng kompanya.
"Mom's fine. She misses you a lot. As for me, napapunta lang ako dito dahil sayo at gusto kong magbakasyon. I will be staying here for three days tapos bibisita ako sa Davao, Palawan, and Batanes then I'll fly to Singapore. I decided to travel the world bago ako kumuha ng Masters." Sabi nito.
Napatango siya.
Isang magaling na chef ang kapatid niya. Hilig nito ang pagluluto kahit noon pa man.
"That's a good idea Rena. Just be careful along the way. Call me if you need anything." Tumango ito.
Sinimulang binuhay ni Leo ang makina ng sasakyan.
"I bet you're starving now,"
Napapalakpak ito,
"Definitely starving kuya. You're a blessing," sabi nito at nagtawanan silang dalawa.
Dumiretso si Leo sa paborito nilang kainan tatlo noong kasama pa ang Mom niya.
The food there is great.
Matapos mag-order ay nagkwentuhan na muna silang magkapatid. Hindi kaila na napakaclose nila sa isa't-isa.
Si Leo kase ang tumayong ama para kay Rena nang maghiwalay ang mga parents nila noong 17 pa lamang si Leo at 10 years old naman ang kapatid.
Nalaman ng Mom nila na may kabit ang Dad nila at may anak sa labas. Ang masama pa ay may kabit na pala ang Dad nila two years after he got married with Mom. And after 17 years pa lang nila nalaman ng Mom nila.
Ngayon 27 years old na ang half-brother nilang si Nico na hindi nila masyadong nakakasalamuha. Kapag nagkikita sila nito ay kung hindi suntukan ang nangyayari, nagtatalo sila verbally.
Napakalaki kase ng ulo at kung makaasta, parang totoong anak.
"By the way, Dad said that we are invited for their wedding anniversary ni Tita Penelope the day after tomorrow."
Sabi nito dahilan para sabay silang mapa-iling.
"As if naman iniexpect ni Dad na pupunta talaga tayo. Never in our wildest dreams," sabi ni Leo at natuwa nang dumating na ang inorder nilang mga pagkain.
"At isa pa nandun si Nico, hindi ba alam ni Dad na palaging nagkakagulo kapag nagkakaharap kami ni Nico?"
"Basta, sinabi ko na agad kay Dad ang totoo. Ayokong pumunta at lalong-lalo na ikaw." Nag-high five sila ng kapatid.
Para talaga silang magbarkada lang kapag nagkasama.
"Mabuti at marunong ka pang magtagalog. The last time you visited here was 4 years ago pa."
"Oo nga eh, hindi na talaga mawawala sa akin ang pagtatagalog though medyo nabubulol minsan at medyo nakalimutan ko na ang tamang pronunciation, alam ko pa rin naman magsalita." Sabi nito at napangiti lamang si Leo.
"It's good to see you Rena." Napatingin sa kanya ang kapatid.
"A breath of fresh air I see?" Sabi nito sa kanya. Napatawa siya sabay tango.
Mabuti nalang at medyo nawala ang mga iniisip ni Leo dahil sa kapatid.
. . .
Hindi pumayag ang kapatid na makitira pansamantala sa pad niya at nagpasyang sa isang hotel matulog. Gusto daw nitong maramdaman na foreigner ito na pinagtawanan lang ni Leo pero sinunod din naman ang gusto ng kapatid.
Sinamahan niya itong magcheck-in sa hotel at nagkwentuhan pa sila sa mga plano nito sa career nito.
Nalaman niyang kasalukuyan nang itinatayo ang restaurant nito sa London. Maliit pa lang daw pero she's really excited about it.
Nangako si Leo'ng bibisita sa opening ng restaurant nito na ikinatuwa naman ng kapatid.
He is very proud of her. Kahit noon pa man ay alam niyang magiging successful ang kapatid.
Nagpaalam sila sa isa't-isa at binilinan ang kapatid na mag-ingat sa pagtatravel nito. Magkikita sila kapag papunta na ito sa Davao para makapagpaalam sila sa isa't-isa.
Umuwi si Leo sa pad at agad na napahiga sa kama.
Agad niyang naramdaman ang pagod at nakatulog agad.
BINABASA MO ANG
𝙷𝚎𝚊𝚛 𝙼𝚢 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝 [𝙱𝚘𝚘𝚔 𝙸 & 𝙸𝙸]
RomanceIsang successful na CEO sa sarili niyang publishing house si Leonard Donovan. He's known for being strict, efficient, a perfectionist, and a cold-hearted person. Wala sa bokabularyo niya ang tamad, manloloko, at pag-ibig. He was shattered to pieces...