HMH - Chapter 43

1.1K 28 14
                                    

Chapter 43

"Leo? Are you listening to me?" Tanong ni Sierra kay Leonard.

Kasalukuyan siyang nag-aupdate ng mga schedules nito for this day.

Nakatingin lang ito sa kanya at sa hindi malamang rason, ang lakas ng tibok ng puso ni Sierra.

She keeps reminding herself to calm down pero hindi talaga. Ayaw makinig ng puso niya.

Isa pa sina Jax at Lily. Hindi na sila nang-aasar pero nandun pa rin ang mga tinging 'I smell something fishy Sierra'. At minsan, parang sira ang dalawang nagbubulong-bulungan na kalaunan ay pati si Zeke kasali na rin.

Parang may pinagpupustahan sila.

Nagkatama ang mata nilang dalawa ni Leo.

'Puso, tigilan mo nga yan,' sabi niya sa sarili.

"Sorry, I was distracted." Sabi nito sabay ngiti sa kanya.

"I will repeat it Leo okay?"

"Yes po," nagbibiro nitong sabi kaya napangiti silang dalawa.

"1PM, you will be meeting the manager of Mr. John Keirks para magdiscuss ng book translation niya at pano yun gagawin. 4:30PM dadating yung 2 months awaited na bagong machines for printing. 6PM, may scheduled meeting ka with Ms. Jenna Myer na dalawang linggo nang in waiting."

"That's all?" Tanong nito sa kanya.

"Yes, though yan lang yung inarrange ko for now kase you need to rest."

Nagsimula itong umiling pero agad nagsalita si Sierra.

"Wag mo akong madaan sa pailing-iling na yan Leo--"

"What?" Natatawa nitong sabi.

Napangiti si Sierra at hinaplos ang buhok nito saka noo.

"Akala mo hindi ko napansin no? You have a fever."

"Tsk..." napataas ang magkabilang-kilay ni Sierra at napatawa sa sagot ng lalaki.

Agad nitong kinuha ang kamay niya at hinawakan lang ito.

Something changed between them, certainly.

And somehow, they know it.

"You have to rest Leo." Nakatingin pa rin sila sa isa't-isa habang hawak pa rin nito ang kamay niya.

"Masusunod Ms. Marion. Thank you," he said to her gently making her smile.

Hinaplos na muna niya ang buhok nito saka nagpaalam.

"Beep me up when you need anything." Ngumiti lang ito and then started working.

Natapos na niya ang trabaho two days kaya full-on ang pagtulong niya kay Leo.

"One week na ang nakalipas Lilyanes." Narinig niyang pag-uusap ng dalawa.

"Wala pang two weeks. Malapit nang mangyari Jax." Sagot ni Lily.

"Ano ba yang pinag-uusapan niyo?" Nagulat siya ng magulat din ang mga kaibigan.

"Girl naman! Multo ka ba? Hindi ka namin namalayan chos naman masyado. Naloka ako dun." Tumili pa si Jax dahilan para mapatawa siya.

"Ano ba kaseng pinag-uusapan niyo?"

Nagtinginan silang dalawa saka tumingin sa kanya.

"Wala, may pustahan lang kami ni Lilita. Isang maliit na bagay lang naman." Sagot ni Jax habang chinicheck ang nail polish nito sa kamay.

𝙷𝚎𝚊𝚛 𝙼𝚢 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝 [𝙱𝚘𝚘𝚔 𝙸 & 𝙸𝙸]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon