HMH - Chapter 24

1.2K 27 0
                                    

[Zeke at the top picture]

Chapter 24

"Yes Jany, alam ko okay. Sinusunod ko lahat ng bilin mo and please lang, wag ka ngang masyadong mag-alala, baka mastress ka na niyan. Kabuwanan mo na." Sabi ni Sierra habang nagluluto ng pagkain. 5 pa ng umaga pero as usual, maaga siyang gumigising at hindi na nakakagulat yun.

"Okay, okay Sie. Tama ka nga at mabuti naman sinusunod mo ako," napatawa lamang si Sierra. Ang laki na ng tiyan ng kaibigan. Anytime manganganak na ito.

3 weeks na matapos ang team building nila. To say that the company is very busy will be an understatement.

Ang daming trabaho nang magsimula na talagang makompleto lahat ng employees.

Ang daming scheduled books to be published. At mas busy kase may anim na bigating authors ang may bagong books na ipapublish for the upcoming months. Dagdag pa ang anniversary ng kompanya.

Nag-usap pa sila ng kaibigan pagkatapos ay pumunta na siya agad sa trabaho 6:30 pa lang sa umaga.

Nang makarating sa opisina, si Sierra pa lang siguro ang tao at nagulat ng lumabas si Mr. Donovan sa opisina nito.

"Oh, Sierra ang aga mo yata?" Tanong nito sa kanya. Halatang bagong dating lang din ito.

"Good morning Mr. Donovan, wala lang akong magawa. I'm eager to start my work." Sabi niya habang inaayos ang mga gamit at tinaas ang volume ng hearing aid.

Tumango lang ito at dumiretso na ng kusina. Si Sierra naman ay napaupo na sa kanyang upuan at sinimulang buhayin ang computer.

More civil na nga sila ng boss ngayon. She was surprised when Mr. Donovan greeted her first, a week after the team building.

Bago yun and even though it was unusual, she greeted him too and had a little chat on the way to their floor.

Take note, little chat, ibig sabihin: "ang aga mo ngayon Sierra,"
"Hindi na ako makapaghintay ng 8 o'clock Sir kaya dumiretso na ako dito," tapos tumango ito at nakarating na sila sa kanilang department.

More civil nga di ba?

Balik sa normal lahat at nakilala nila ang lalaking sinasabi ni Jax, si Zeke.

He turned out to be true to his words. Gwapo nga ito at halatang gustung-gusto nito si Jax. In fact, boyfriends na sila ngayon, more like one week ago.

Sierra is happy that her friend is happy. Nakikita niyang masaya ang dalawa at palaging ngang inaasar ni Jax si Lily dahil palagi itong nagrereklamo kapag sweet sa harapan nila ang magnobyo.

Naging kaibigan na rin nila si Zeke dahil palabiro rin ito though mas tahimik kesa kay Jax at may preno ang bibig hindi katulad ni Jax. They're literally made for each other.

(A/N: sa mga tao dyan na against sa gays, no offense pero shut up nalang muna kayo and enjoy the story😉)

. .  .

At hanggang ngayon, wala pa ring nakikita si Mr. Donovan na secretary kaya halatang masyado itong busy. Minsan kapag hindi nito kaya ay pinapatawag siya nito—

"Sierra?" Narinig niyang tawag ni Ma'am Veena ng makalabas sa opisina ng boss.

Kakatapos lang gumawa ni Sierra ng book cover at napatayo sabay tingin sa babae.

"Pinapatawag ka ni Mr. Donovan." Sabi nito at tumango lamang siya sabay punta sa opisina ng lalaki.

Sanay na ang lahat sa mga ganitong sitwasyon. Alam ng mga ito ang set-up nilang dalawa at ang iba nga ay medyo bilib sa kanya.

𝙷𝚎𝚊𝚛 𝙼𝚢 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝 [𝙱𝚘𝚘𝚔 𝙸 & 𝙸𝙸]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon