HMH - Chapter 21

1.2K 30 2
                                    

Chapter 21

Nandito sina Sierra at iba pang mga empleyado sa napakalaking social hall. Nakakamangha dahil kaya ng resort ang dami nilang lahat.

Ngayon na ang opening ng team building ng kompanya. Kasama ni Mr. Donovan ang mga Chief Editors, Managers, Department Heads, at may mangyayari na munang seminar.

Diniscuss ang Mission, Vision, Goals ng Team Building, Inspirational talks and etc.

Nang tumayo na si Mr. Donovan ay sumeryoso ang buong paligid at lahat ng atensyon ng mga empleyado ay nakatutok lamang sa lalaki.

Itinaas ni Sierra ang volume ng hearing aid niya at nakinig sa mga sinabi nito.

Ngayong umaga, ang sarap ng tulog ni Sierra, akalain mo ngang 12 hours siyang natulog simula pa kagabi. Pagod nga siguro siya.

Tumawag siya ng food service at nang makalabas ng kwarto ay napansing hindi pa siguro gising ang kapit-bahay niya.

Pagod din siguro 'yon.

Napakasarap ng pagkain at nang nasa kalagitnaan na sa pagkain si Sierra, lumabas si Mr. Donovan na tapos ng maligo at may dalang kape.

Inaya niya itong kumain na tango lang ang sagot nito.

Maya-maya pa ay dumating na din ang agahan nito kaya indirectly, sabay silang kumain.

Agad na umalis si Sierra pagkatapos maligo at makapagbihis, pupunta siya sa kung nasaan sina Jax.

"Sierra girl! Kumusta?" Nagsisigaw na ito nang makita palang siya. Natatawang lumapit siya sa kaibigan na kasama nito si Lily. Kaibigan niya rin.

"Saan ka ba natulog girl? Sa isang bangka?" Sabi nito at nagflip ng imaginary long hair.

"Hindi, pinalipat ako ni Mr. Donovan dun sa iisang kwarto lang," agad na napanganga si Jax sabay hawak pa sa dibdib nito.

"Bongga Sierra, dapat lang naman na gawin niya yun, tinulungan mo siya na halatang kailangang-kailangan niya," sabi nito.

Nagtaka si Sierra, siguro nga ganun talaga ang gustong ipaliwanag ng boss nila kagabi.

"Yun nga rin ang sabi niya. I kind of told him yesterday nang makarating kami dito. I had this sudden outburst na akala ko naawa lang siya akin," nang mapanganga ulit si Jax ay hindi napigilan ni Sierra ang mapatawa at kinunan ito ng picture. Si Lily naman na isang proofreader sa department nila ay tumango lang.

Ngayon, nang matapos na ang magandang speech ng boss nila, napuno ng palakpakan ang buong hall.

Nagmeeting sandali at sinabi ang schedules ng mga gagawin for the upcoming three days. Nakakaexcite sa totoo lang.

Noong nasa America pa lamang si Sierra, maganda at super exciting din ng team building na ginagawa sa dating pinagtatrabahuan niya. Kaya nga lang, wala siyang masyadong kaibigan dahil paningin ng iba sa kanya; she's not capable of doing something right except for doing "excellent" designs for the company.

"Ganern! Excited na talaga akooo!" Halatang naiexcite na medyo tili ni Jax.

Pinindot-pindot pa nito ang balikat ni Sierra na parang ewan. Napailing nalang siya at nagpasyang kumuha ng konting litrato bilang remembrance.

Ang yaman nga siguro ni Mr. Donovan para maging ganito ang team building niya. It must worth millions para gawing private ang sikat na resort na ito for a week.

Napatingin si Sierra sa lalaki. Nakaupo ito sa pinakaunang bahagi ng table sa harapan ng stage at may apat na kasamang department heads sa engrandeng table nito.

Nakikinig ito kay Ma'am Veena na ngayon ay siya nang nagsasalita.

Kung noon, ayaw ni Sierra ang mapansin siya ng boss, hindi pa rin nagbabago iyon.

But now, she can tolerate him and his presence. Though not totally, kapag kailangan siya—syempre tutulong siya—boss niya 'yon malamang.

There maybe more of him that all of them doesn't know. Story of his past that made him what he is now. Sa walang pagpapanggap, medyo curious si Sierra kung ano 'yon—medyo lang.

All in all, she needs to protect her space from him dahil for sure, ayaw niya ang atensyon na ibinibigay ng mga tao sa kanya kapag kasama niya ito.

. . .

"Jax! Bilisan mo!" Natatawang sabi ni Sierra.

Nakakasakit ng tiyan ang nakikita niyang nangyayari ngayon. Naglalaro kase sila ng sack race at sobrang hirap kase buhangin ang tinatapakan nila.

Ang arte kase ni Jax, ayaw magiba ang nail polish nito sa paa. -_-

"Ang arte talaga ng bakla," sabi ni Lily at natawa lahat ng mga empleyado nang madapa ito.

So far, nakakatuwa ang mga nilalaro nilang lahat. Magkalaban ang iba't-ibang department but at the same time, magkakampi.

May nametag ripping na ang mga managers and heads lang ang kasali. Super intense ng laro at nanalo ang finance department head na nasa 18th floor.

Hindi pa alam ng lahat kung anong premyo ng mga mananalo kundi ang mga organizers lang. Pero alam din ng lahat na hindi basta-basta ang mga magiging premyo kaya todo-bigay ang lahat.

Mamaya, mag-a-island hopping sila. Siguradong magiging masaya 'yon.

Kanina, nang malaman nila 'yon ay nabigla si Sierra nang lumapit si Ma'am Veena sa kanya.

"Sierra, okay lang ba sayo ang pag-a-island hopping mamaya?" Tanong nito. Napangiti si Sierra ng bahagya, nakakagaan sa pakiramdam ang makitang nag-aalala sa kanya ang babae.

"It's okay Ma'am. Actually recommended ng doctor ko na kumilos-kilos ako." Tumango ito at matapos mag-usap tungkol sa ibang bagay ay umalis na ito.

. . .

Nakatingin lang si Leo sa mga trabahanteng masayang naglalaro.

Nakakatuwang tingnan ang mga seryosong mukha nito sa opisina na ngayon ay sobrang laki na ng mga ngiti.

This is the purpose of why he liked to do this yearly. Kahit na alam niyang harsh siya sa mga empleyado, he only want whats best for his company and slacking off will not do anything.

Sa mga empleyadong maiging magtrabaho, he will gladly reward something. Maybe recognition or etc, something that can make them realize, working diligently for him is worth it.

Kagabi nga, naalala pa niya ang sudden outburst ni Sierra. Nabigla siya to say the least. Naawa?

Well, Leo never actually thought about that word when he looks at her. He always see determination and talent in her. He somewhat admire her for being so strong and dedicated. For not being a coward despite her situation.

Napatingin siya sa babaeng iniisip. Nakakacurious talaga ang babaeng yun.

He can't read her. Not at all.

Alam niya talagang komportable siya sa babae. He liked the fact that she's not interested about him. Isang magandang example na naman ang nangyari kagabi.
Hindi ito natatakot na iconfront siya. Wala pang nakakagawa nun sa buong kompanya.

Except na nga lang kapag may natanggal na siyang empleyado, dun pa magsasalita ng lahat ng saloobin nito. Proving him that firing him/her is the right thing to do.

He hates pretending.
He hates lying.
He hates everything about betrayal.

He experienced it before, he doesn't want to experience it now. Never again.

𝙷𝚎𝚊𝚛 𝙼𝚢 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝 [𝙱𝚘𝚘𝚔 𝙸 & 𝙸𝙸]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon