HMH - Chapter 20

1.3K 30 0
                                    

Chapter 20

His head hurts! Damn Jacob! Bakit niya ba nakita ang lalaking 'yon!!!?

After all these years? Leo didn't even know na buhay pa ang walang hiyang lalaking 'yon o nandito man lang pala ito sa Pilipinas. Well, he didn't kept tabs about them. Why would he anyway?

So this means nandito din 'siya' sa Pilipinas?

Sh*t! He doesn't know what to do kapag nagkita sila. He might lose control and he doesn't want that.

Kinamumuhian niya ang mga ito.

Leo massaged his head and tried to calm himself.

Key word, tried.

F**k his life!

. . .

One hour after, matapos makaidlip ay kumalma na ang ulo ni Leonard.

Napailing siya sa sarili. After all these years, it felt like yesterday when he saw that scene. That horrible scene.

Mas mabuti pang kalimutan na muna niya ang mga alaalang yun at asikasuhin ang mga tambak na mga papeles sa lamesa.

And he then remembered that he fired his secretary. Another pathetic secretary fired by him.

He ruffled his hair and took a deep breath.

Lumabas siya at dumiretso sa kusina. Maigi niyang tiningnan ang dinadaanan dahil baka may mabangga na naman sa kanya at may matapon na namang coffee.

Swear, kapag may natapon na namang kape sa katawan niya, hindi na niya alam ang gagawin.

He relaxed himself and proceeded to go to his office nang makita ang babaeng 'yon.

Si Sierra Marion na nakikipagkwentuhan sa kaibigan nito. He guessed she's already finished with her job way before the deadline. Expected from her.

Hindi alam ni Leonard kung bakit siya lumapit dito at sa kaibigan nitong lalaki.

But he needed assistance and he felt she could handle it. She could handle him. Just for two days anyway.

"Ms. Marion, Mr. Rorez," bati niya.

Halatang nagulat ang lalaki pero ang babae, walang reaksyon.

Leo's eyebrows silently moved.

Tumingin ang dalawa sa kanya.

"A-ah, good day Mr. D-donovan," nauutal na sabi ng lalaki na ngayon ay nalaman ni Leo na bakla pala. Sa unang tingin, hindi halata. Ito siguro yung maingay na naririnig niya kapag nasa office.

"Good afternoon Mr. Donovan," sabi ni Ms. Marion at nagkatinginan silang dalawa.

Leo doesn't know why but now that he knows her story—not really her life story—but her true ability (and disability), he felt he could trust her.

Hindi niya alam kung bakit.

Dahil siguro hindi ito nagpapakita ng interest sa kanya. He remembered when he visited her on her apartment, first time na may tumangging papasukin siya sa isang bahay or apartment. And to think he was her recent boss (at that time).

Well—na nangdiscriminte sa disability nito. And she has every right to treat him that way.

Namangha lang ng konti si Leo at medyo nainsulto but he liked it, weirdly.

And not to mention kapag nagsasabay sila sa elevator, he can feel she doesn't want his presence.

"Are you busy Ms. Marion?" Tanong niya rito sabay inom ng kape. Nakikita niya sa peripheral vision niya na nakatingin ang ibang mga empleyado sa kanila.

𝙷𝚎𝚊𝚛 𝙼𝚢 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝 [𝙱𝚘𝚘𝚔 𝙸 & 𝙸𝙸]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon