Chapter 22
Pangalawang araw na nila sa napakagandang resort na ito. At ayaw na nilang umalis.
Naging napakaclose na ng lahat sa isa't-isa. Pati na ang nasa iibang departments ay nakakasalamuha na nila. Mahirap mang maalala ang mga pangalan ng bawat isang naging kaibigan nila, it's the memory that counts.
Nakangiti si Sierra habang kinukunan ng litrato si Jax na ang background ay ang magandang dagat na sobrang linaw at sunset.
"Ibang pose naman," sabi ni Sierra at ginawa nga iyon ng kaibigan. Yung parang ewan. Tapos si Lily naman, para may profile picture daw ito sa facebook.
Ngayong gabi, mangyayari ang bonfire event na pinakahihintay nilang lahat. Para pangrelax lang, ang sasakit na kase ng mga katawan nila. Kanina, kailangan gumawa ng pyramid at hindi na siya pinasali dahil ang bibigat ng mga kasama at ayaw ni Ma'am Veena na baka maaksidenteng mahampas ang tenga or ulo ni Sierra. Siya na lamang ang nagchicheck sa formation and—sila ang nanalo.
Perfect pyramid ang nagawa nila made of people. Panay nga ang tili ni Jax dahil isa ito sa mga foundation, meaning, ito ang nasa pinakaibaba at nasa kanya lahat ng bigat kasama ang lima pang katabing lalaki.
Pinipigilan nga ni Sierra ang tumawa at kung hindi na mapigilan, tumatalikod nalang.
Sila ang pinakamabilis na nakatapos at hindi nagiba na pyramid. Lumabas ang pink muscles ni Jax dahil dun.
"Hanggang ngayon ang sakit pa rin ng likod ko. Paano na ang beauty ko nito." Sabi nito ng magsimula silang tumungo sa lugar kung saan mangyayari ang bonfire na sobrang laki.
"Ano ka ba, okay lang, nanalo naman tayo dahil sa malakas mong tili," sabi ni Lily dahilan para tumawa kami.
"Tse, ikaw pa naman ang nakapatong sa akin, ang sakit kaya ng tuhod mo no." Sabi ni Jax,
"Wag nga kayong dalawa, para talaga kayong aso't-pusa—"
"Ako ang pusa, peg ko kase si Catwoman." Sabi agad ni Jax na gumawa pa ng pose. Mahinang hinampas ito ni Sierra.
"Nanalo naman tayo,"
"And thanks to you dahil maganda ang planning tactics mo Sierra," sabi ni Lily.
"Korek ka dyan girl," sang-ayon naman ni Jax na napailing lang siya.
Nang makarating na sila malapit sa bonfire, marami na ring mga ibang empleyado at pinatawag na rin ang iba dahil magsisimula na ang pagsindi nito.
Syempre, wala iba kundi si Mr. Donovan ang magbobonfire lighting.
"Kahit na medyo gwapong demonyo si Papa Donovan, wag naman sana siyang masunog." Natatawa na lamang si Sierra.
"Let's enjoy this night and I hope that you continue to do your best in all of our upcoming projects," sabi nito at inilagay ang malaking torch sa arranged na mga kahoy.
Naghiyawan ang lahat ng lumabas ang malaking apoy and the bonfire party started.
Nagsasayawan ang lahat dahil sa magandang music pero si Sierra, nakaupo lang at tumawa sa OA na pagsayaw ni Jax. Hininaan niya ang volume ng hearing aid dahil masama para sa kanya ang sobrang maingay na lugar. Maliit lang ang naririnig niya pero natutuwa pa rin siyang makita ang lahat na sobrang saya.
Iginiya siya nina Jax at Lily na sumayaw pero sinabi niyang hindi siya marunong at hindi niya naririnig ang tugtog dahil sobrang ingay.
Naintindihan ito ng mga kaibigan pero pinasayaw pa rin siya. Wala na siyang nagawa kundi sumayaw na lang pero hindi kaseng OA na katulad kay Jax.
BINABASA MO ANG
𝙷𝚎𝚊𝚛 𝙼𝚢 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝 [𝙱𝚘𝚘𝚔 𝙸 & 𝙸𝙸]
RomanceIsang successful na CEO sa sarili niyang publishing house si Leonard Donovan. He's known for being strict, efficient, a perfectionist, and a cold-hearted person. Wala sa bokabularyo niya ang tamad, manloloko, at pag-ibig. He was shattered to pieces...