HMH - Chapter 31

1.2K 33 4
                                    

Chapter 31

One week nalang at anniversary na ng kompanya.

"D*mn it!" Napakamot sa ulo si Leo.

"That old man! Nagawa niya pa talagang magback-out ngayon? Ano bang problema niya?" Umiinit na naman ang ulo na sabi ni Leonard.

Agad na bumukas ang pintuan ng office niya at nakita ang kanyang temporary secretary slash graphic designer na si Sierra.

"Anong problema?" Tanong nito nang makalapit sa kanya.

Obvious siguro ang stressed na mukha ni Leo ngayon. He groaned and lightly punched the table.

"Mr. Dizon backed-out. Ngayon pa? We're one week away sa anniversary and he decided to back-out and reschedule the date of the publishment of his book kase hindi raw niya gusto ang resulta ng rewrittened version. Bakit ngayon niya lang sinabi when everything is almost done?!" Sh*t! He needed to call his lawyer.

Nagsimula siyang maguluhan sa gagawin.

Palagi talagang ang matandang lalaking yan ang nagbibigay ng stress sa kanya. Last year din, lumabas ang balita na ninakaw daw ng kompanya niya ang rights ng book nito. What a full of crap.

Huli na'to. That's for sure. The old man is testing his patience.

"Calm down. We can find a way to solve this. Relax Leo," sabi nito pero mainit pa rin ang ulo niya.

"I need to call my lawyer," napatigil siya ng maramdaman ang paghawak nito sa balikat niya.

"Leo, just calm down for a minute. Pagkatapos nun, saka ka gumawa ng hakbang. Whatever is the right move. Pero please, for now, just calm down." Mahinahon nitong sabi.

Huminga ng malalim si Leo. Agad siyang umupo sa upuan at dahan-dahang huminga ng malalim ng paulit-ulit.

. . .

Now, they're currently on his car. Galing na siya sa office ng kanyang company lawyer at matalik ding kaibigan na si Josh.

Kasama niya ngayon si Sierra sa passengers seat at pabalik na ng kompanya ng biglang tumunog ang cellphone niya.

Agad niyang inilagay ang wireless headset at sinagot ang tawag.

"Kuya!"

"Rena? Is there something wrong?" Napatingin siya kay Sierra unconsciously na nakatingin na din pala sa kanya.

"No—no. Napatawag lang ako kase nandito ako sa city. I'm heading to Batanes in a few hours tapos diretso na sa London. I want to meet you before I leave. Are you free?"

"Yeah, of course I am. Always, syempre pagdating sa'yo. I'll be there in 5 minutes. Malapit lang kami kase kakagaling ko lang kay Josh. You know him right?"

"Great! And yeah, you mentioned him before, I think? Sinong kasama mo?"

"Oh right! Okay lang ba kung kasama ko si Sierra? She's my temporary secretary and graphic designer. A brilliant one at that I should say," Hindi mapigilan ni Leonard na sabihin yun.

Napakunot-noo naman si Sierra habang nakatingin sa kanya.

"Would you mind Sie? Magkikita kami ni Verena, my younger sister. Okay lang ba?" Tanong niya ngayon kay Sierra habang hinawakan ang nakakunot nitong noo dahilan para mapangiti ito.

"No it's okay pero hindi ba ako makakaistorbo? You can drop me off here or somewhere para hindi ako istorbo—" hindi na niya ito pinatapos at tinakpan pa ang bibig dahilan para tumawa silang dalawa.

𝙷𝚎𝚊𝚛 𝙼𝚢 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝 [𝙱𝚘𝚘𝚔 𝙸 & 𝙸𝙸]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon