Chapter 18
Two days before the team building, nandito sina Sierra sa kanilang department. Naghahanda na sila ni Jax para umuwi. Pay-day ngayon at sasamahan ni Sierra ang kaibigang magshopping.
Gusto daw nitong bumili ng mga gamit pangswimming.
Pupunta sila sa isang private resort para sa team building nila.
Nakahanda na lahat, pati ang tutuluyan ng lahat ng employees ng kompanya ay settled na.
"Girl? Ready ka na ba?" Tanong ni Jax.
"Yep," sagot niya at sabay na silang umalis matapos magpaalam kina Ma'am Veena at sa iba pang tao sa floor na iyon ng kompanya.
"Excited na ako girl, marami sigurong mga papabol dun sa private resort na pupuntahan natin!" Excited nitong sabi.
"Kung alam ko lang Jax, yan lang naman talaga ang habol mo dun eh,"
"Uy, hindi naman." Sabi nito at umarteng dalagang pilipina pero tinaasan niya lang ng dalawang kilay.
"Oo na, sige na nga. Korek ka dyan. Pero excited din naman akong magsaya kasama ang buong department at kompanya. Pati si Sir Leo, baka maging kaibigan din natin."
"Hm, yan siguro ang imposible Jax."
"Bakit naman aber? Yun nga yung purpose ng team building di ba? Para mapalapit tayo sa isa't isa at mas maging maayos ang trabaho natin."
Nagkibit-balikat lamang si Sierra.
"Halika ka na nga, doon tayo oh. Magaganda ang mga damit dun." Sabi nito at itinuro ang pamilyar na clothing store.
Napatigil sa paglakad si Sierra.
"Anong problema? Ayaw mo?" Tanong ni Jax.
"H-ha? H-hindi naman," napansin ng kaibigan ang pag-iiba ng ugali niya.
"Wag na nga lang tayo dyan, mukhang hindi din naman kaya ng budget ko," sabi nito sabay ngiti sa kanya at lumipat sila ng pinuntahan.
Napangiti ng malungkot si Sierra.
Doon ang paborito nilang bilihan ng damit ng Mama niya.
Flashback
"Ma, panglimang damit ko na 'to," reklamo ni Sierra ng lumabas sa dressing room at ipinakita sa ina ang damit.
"Ikaw talaga, okay lang yan. Girls should have plenty of clothes to choose from sweetie," sabi nito at inaprobahan ang suot.
"Lalo na ikaw, napakaganda mong bata, halos lahat ng damit, bagay sa'yo," sabi nito. Nagpout naman si Sierra dahilan para pisilin ng ina ang pisngi niya.
"What's with that face? Hindi ka naniniwala sa Mama mo? Kanino ka ba nagmana? Di ba nga sa akin." Sabi nito at nagbeautiful eyes.
Tumawa si Sierra at hinalikan sa pisngi ang ina.
"Syempre naman nagmana ako sa napakaganda kong Mama," sabi niya at nagtawanan silang dalawa.
Ito ang pampawala ng stress ni Sierra sa school. Every month, may mother and daughter date sila at ni isa, wala silang absent.
Kaya napakaclose nilang mag-ina. Napakaeasy-going kase nito at number one supporter niya sa lahat ng desisyon.
"I love you Ma," sabi ni Sierra habang pabalik na naman siya sa dressing room at susukatin ang pang-anim na ibinigay ng ina.
BINABASA MO ANG
𝙷𝚎𝚊𝚛 𝙼𝚢 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝 [𝙱𝚘𝚘𝚔 𝙸 & 𝙸𝙸]
RomanceIsang successful na CEO sa sarili niyang publishing house si Leonard Donovan. He's known for being strict, efficient, a perfectionist, and a cold-hearted person. Wala sa bokabularyo niya ang tamad, manloloko, at pag-ibig. He was shattered to pieces...