HMH - Chapter 33

1.2K 27 0
                                    

Chapter 33

Hindi alam ni Sierra kung anong nangyari pero nakakapanibago ang katahimikan habang pabalik na sila sa kompanya.

Sobrang tahimik ni Leo and he's emitting a dark aura around him. Wala na ang palabiro nitong ugali na kanina lang ay nakakausap pa ni Sierra.

Hindi niya sigurado kung ano ang dahilan pero palagay niya ay may kinalaman ang mag-asawang nakita nito kanina.

Both parties were shocked to see each other. Magkakilala siguro ang mga ito pero nakakapagtataka lang dahil agad na nagmamadaling lumayo si Leonard sa mga ito.

Napasulyap si Sierra sa lalaking kasalukuyang nakatutok ang atensyon sa daan. Mahigpit ang hawak nito sa steering wheel at ni isang beses, hindi ito sumulyap sa kanya.

Para itong nawala sa sarili at ang lalim ng iniisip.

Hindi na lamang nagsalita si Sierra at nagpasyang tumahimik sa buong byahe.

Nang makarating sila sa office, tahimik pa rin si Leo.

Kahit na gustong magtanong ni Sierra, hindi niya ginawa.

She thinks he needed some space.

Sana nga lang panandalian lang ang ganito. Sana bukas, makausap na niya si Leo.

. . .

"Sierra, come to my office now." Narinig ni Sierra sa intercom.

Pagpasok niya sa office nito, nakaupo ito sa swivel chair at hindi maipinta ang mukha.

"Natapos mo na ba ang pinagawa ko kanina?" Seryoso nitong tanong.

He looked so lost. Hindi gusto ni Sierra ang nakikita.

"Yes, pati na rin ang pagchicheck sa graphs na sinabi mo. May iuutos ka ba?" Napatingin ito sa kanya pero nagulat si Sierra sa tinging yun.

Para itong walang nakita at lumusot lang sa pader ang mga tingin. 

Nagsisimula nang mag-alala si Sierra.

"Leo?" Hindi ito tumingin sa kanya.

"Okay ka lang ba?" Tanong niya.

Nagsalita ito pero hindi sinagot ang tanong niya.

"Wala na akong iuutos. You can go home now." Sabi nito at nagsimulang magtrabaho.

Ilang sandali ang nakalipas at nakatayo pa rin si Sierra.

Nagdadalawang-isip kung anong gagawin.

Kalaunan, nagpasya siyang makinig sa sinabi nito at nagpasyang umuwi kahit na nag-aalala sa lalaki.

. . .

Kinabukasan, maagang pumasok si Sierra sa opisina. Hinihintay niya si Leo pero tanghali na ito pumasok which is weird.

Napansin din ito ng nina Jax at ibang katrabaho.

"Anong nangyayari kay Mr. Hottie Donovan?" Tanong ni Jax nang nasa cafeteria silang tatlo ni Lily.

"Baka may emergency or something na nangyari. May alam ka ba Sierra?" Tanong ni Lily sa kanya.

Napakibit-balikat lang si Sierra. Pati nga siya hindi niya rin alam.
Nakakapanibago ang mga kilos ni Leo. Hindi siya nito binati though noon, okay lang para kay Sierra. Pero iba na ngayon, tinuturing na nila ang isa't-isa bilang kaibigan at gusto niyang tulungan ang lalaki.

"Wala kang alam girl? Di ba besties kayo?" Tanong ni Jax. Napatingin siya rito sabay pakawala ng buntong-hininga.

"Hindi ko rin alam, kahapon pagkagaling namin sa lawyer niya para magdiscuss regarding Mr. Diaz, okay pa naman siya."

𝙷𝚎𝚊𝚛 𝙼𝚢 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝 [𝙱𝚘𝚘𝚔 𝙸 & 𝙸𝙸]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon