CHAPTER 3

2.2K 59 16
                                    

Better version







"What do you mean it collapsed!"

Nasa opisina ako nang tumawag si Mr. Lazarius Mercado, the head engineer of the site kung saan itatayo ang A&Q Phil.

"The materials malfunctioned Summer. Hindi namin inaasahang ganito..."

"You get your materials from the Alejandros right? They are prominent on this matter! Paanong papalpak ang mga materyales nila?"

"No one anticipated it. Tumawag na ko sa kanilang office, they promise to take all the blam---"

"Really Rius! Wala namang dapat sisihin bukod sa kanila!"

"Calm down... ako nang bahala dito." He said in a comforting voice.

Rius and I are friends. Nakilala ko siya sa Las Vegas when I had my vacation after what happened before.

I don't exactly remember how we became close, ang alam ko lang ay nagkakasundo kami dahil pareho kaming iniwan.

Wow! I don't sound bitter am I?

"No! Pupunta ko 'dyan."

I ended the call at agad na tinawag si Alexis para bigyan ng mga kailangang gawin sa mga naiwanan kong trabaho.

The site is my priority now!

Kung wala ang branch ay balewala ang lahat ng naka-handang investment na pinagtutuonan ko ng pansin.

"Cancel all my appointments. If someone look for me, tell them I'm busy."

"Okay Miss."

Pinaandar ko agad ang puting Tucson patungong Teacher's Village Quezon City. That's where the location of the shop is. It is near UP, which is a huge university at madalas pang puntahan ng mga dalaga't binata, thus making the location very good when it comes to market.

Medyo traffic pa ang papunta doon na dumagdag sa aking pagka-badtrip.

Ang mga Alejandros ang isa sa mga kilalang construction materials supplier sa buong Pilipinas. Paanong mabubulilyaso sila ngayon? At sa aming proyekto pa? Nananadya ba talaga ang pagkakataon?

When I arrived at the location ay naabutan kong seryosong naguusap sina Rius at Architect Rene Chua.

Sa likod nila ay ang halos patapos na naming building na may dalawang palapag.

The ceiling of the second floor was a mess! Butas ang itaas nito at kitang-kita ang paglilinis ng mga tauhan sa gumuhong bahagi.

Pinatunog ko anc kotse at agad na lumapit sa kanila. Rius saw me first kaya agad niya akong sinalubong at hinalikan sa pisngi.

"Pumunta ka talaga?"

"What happened?" Hindi ko siya pinansin. Sumulyap ako kay Archtect na nakangisi sa amin.

"The celing collapsed. We examined it already, nasa mga materyales ang mali Summer."

"Kung ganon, delikado din ang first floor?"

"Hindi. Inamin ng mga Alejandros na ang mga bakal na pinadala nila nitong huling buwan ay nagamit na sa isang demolition noon. They risk their name for this para makatipid. Alam mo bang nalulugi na sila?"

Napalikit na lamang ako dahil sa biglaang pagguhit ng sakit sa aking ulo.

Bakit naman saamin pa ito nangyari?

Namulat lamang ako dahil sa haplos ni Rius sa aking braso.

"I told you not to go. Kaya na namin ni architect 'to. I know you have lot of works to do."

Still MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon