CHAPTER 41

1.6K 44 14
                                    

Iharap










My body immediately reacted when I saw the two of them, eyeing us like we did something forbidden.

My hands are still clinging to Trade habang ang mga mata ko ay na kay Mommy na ngayon ay masama ang tingin sa lalaking kasama ko.

Naramdaman ko ang kamay ni Trade sa akin. He squeeze it to calm me down.

"Is this true? Nagkabalikan na kayo?" Autoritadong tanong ni Mommy.

Trade was about to answer pero hinila ko ang kanyang kamay pabalik. Matapang kong tinignan si Mommy. Ramdam ko rin ang titig ni Trade sa aking gilid.

"Y-yes Mom..." Buong tapang kong pag-amin.

Kitang-kita ko ang pag-ismid ni Georj sa kanyang gilid. I know she didn't expect me to tell the truth. Pero anong magagawa ko? Ilihim ang totoo? Ilihim si Trade? No. I would never do that.

Hinila ako ni Trade sa kanyang gilid at sinikop ang aking buong katawan, like he is protecting me from any harm.

"Mrs. Aquinas..." Trade started.

Mula kay Trade ay lumipat ang matatalim na mata ni Mommy sa akin. "Let's talk... outside." Madiin niyang utos sa akin.

Kumurap ako bago tumango. Kinalas ko ang hawak ni Trade sa aking kamay.

"Sum..."

"I'll be okay." Bulong ko sa kanya. "Hintayin mo na lang ako dito."

He nod and planted a kiss on my forehead before releasing me.

Sinundan ko si Mommy sa labas ng venue. I found her standing beside the tall gate. Nandoon na rin si Daddy at sina Maxwell, na ngayon ko lang nakitang muli.

"Mom---"

"Hindi ka nanaman ba nag-iisip Summer? Tinanggap mo siya muli sa buhay mo!"

Agad na dinaluhan ni Daddy si Mommy sa agarang pagtaas nito ng boses.

"That man wrecked you! He nearly killed you! Nakita mo ba ang sarili mo noon Summer? You almost died! You unconsciously took away other people's life because of him! And now you'll take him back? Again? Kailan ka ba matutututo? Sino pa ang kailangang mamatay para lamang matauhan ka? Kami ng Daddy mo?!"

Tumulo ang luha ko. I saw Nanay Mildred's image in my head. 

This is all about the sins I committed years ago. Ang pagkamatay ni Nanay Mildred, ang pagsira ko sa sarili kong buhay... lahat nang dahil kay Trade.

"Ano nanaman ang mga panlolokong sinabi niya sayo? Na mahal ka pa rin niya after all those years? God Summer! Hindi kita pinalaki para maging tanga!"

"Agatha!" Sigaw ni Daddy na lalong nagpa-hagulgol sa akin.

"Hindi Leopoldo! Look at your daughter! Hahayaan nanaman ba nating magkamali siya sa parehong rason? I entrusted you to Trade before Summer. Pinabayaan ko na kayo! You were about to get married for Christ's sake! Pero anong nangyari hindi ba? He cheated on you! With Georleanna! At ngayon babalikan mo siya na parang wala lang nangyari? Don't you have any respect for Nanay Mildred? Respect for us? Or even respect for yourself?!"

Still MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon