Palakpak
Time flows very fast that the launching was about to happen later on the evening.
Kagaya ng napag-usapan ay alas singko pa lamang ay nasa One Esplanade na ako at ang mga staffs ni Alexis para sa paghahanda. Everyone is busy enough to be distracted. Maging ako ay hindi talaga nagpapa-istorbo sa kahit na kanino, including my beloved Trade Samaniego. Tutal naman ay isang linggo bago ang launch ay sa condo ko siya naninirahan. I think those days were enough moments for him so he won't distract me and my business today.
Ngayon din ang araw ng balik nina Mommy at Daddy mula sa Pransya. That add fuel to my anxiety. Ang pressure na hatid ng mga magulang ko ay lalong nagpapa-aligaga sa akin upang mas maging maayos ang naturang event.
Palagi ko na itong sinasabi sa aking sarili... there shouldn't be any room for mistakes tonight. Tatanggapin ko na ang pagkakamali sa ibang araw, wag lamang talaga ngayon. This is like my life and death stunt... my now or never. Ayokong biguin si Daddy, at mas lalong ayoko ng dagdagan ang sama ng loob ng aking ina sa akin. After how many months ay ngayon na lamang kami magkikitang muli. I wanted her to see the new me, not as a failure, but as a woman who she can proud of
"Miss Summer, you can go home and prepare yourself. Maayos na po kami dito." Ani Jessica, ang head organizer na aming kinuha.
"Are you sure? The side curtains are a bit disoriented."
Tumawa siya sa pagka-maselan ko. "Yes we will fix that. Sa ngayon ay tingin ko kailangan mo ng ihanda ang sarili mo. Kaya na namin dito."
Lumapit si Alexis sa amin dala-dala ang aking telepono. "She's right Miss. And also, Mr. Leopoldo Aquinas is on the other line."
Agad kong pinunas ang aking kamay sa laylayan ng aking damit at dinampot ang telepono mula kay Alexis. "Daddy..."
"We just arrived, we'll stay at Peninsula."
"O-oh. W-welcome back then." Kinakabahan kong sagot. "Where's mom?'
"She's sleeping beside me. How's everything going?"
Lumayo ako ng kaunti sa mga tao para mas madinig ang tinuturan ng aking Daddy. Pinasadahan ko muna ng tingin ang buong venue na ngayon ay tapos na. "Everything's fine Dad. I can't wait to see you. Please send my regards to Mommy, I miss her a lot."
"I will. See you later honey, make us proud."
Napahinga na lamang ako ng malalim sa huling pangungusap.
Hay, I really have unusual set of parents. Kung sa normal na sitwasyon, ang mga magulang mo ang tatawagan mo kapag kinakabahan ka sa isang bagay o pangyayari. They'll be the one to motivate you and will tell you you'll do good. Kabaliktaran ng sa akin na sila mismo ang nagdadala ng bigat sa aking dibdib.