Winning
Trade and I decided to visit my parents the next day. Bagama't nabanggit niya na sa mga ito ang kanyang plano, still, we need to tell them properly about our engagement.
After all they are my parents... my family...
Gamit ang kanyang puting Audi ay nagtungo kami sa bahay alas onse ng umaga.
"Where's your bmw?" Bigla kong natanong.
Naalala ko noong college, iyon ang kanyang ginagamit na sasakyan... that's his favorite. I wonder where is it now?
"Nasa Laguna baby. Bakit?"
"Ayaw mo na 'non? Di mo na ginagamit."
Ngumisi siya. Kitang-kita ko ang pag-angat ng isang parte ng kanyang labi.
"Noon... ayoko." He trailed off.
"We had lots of memories there. Tuwing gagamitin ko 'yon, naaalala lang kita." He chuckled. "And that's not good... well at least before."
Sinipat ko ang daan sa aming harapan at tumango.
Right. I understand, a part of him wants to move on from me as well, gaya ng kagustuhan ko noong kalimutan din siya.
And it's funny how people desperately made just about everything to forget someone, but in the end, hindi nayin maggawa.
That's silly though.
"Pero pinakuha ko na kay Kuya Alo..." Nilingon ko siyang muli. "I'll use it again."
Sinulyapan niya ako at nginitian. His right eyebrow rise like a cool guy.
Natawa ako doon at tila nakuntento na.
We stopped by the nearest mall to buy something for my parents first. Upon parking his car ay magka-hawak kamay kaming pumasok sa isang grocery store. Sa entrance pa lamang nang mall ay kitang-kita ko na ang pagkislap ng mata ng babaeng guard sa bukana.
"Welcome Ma'am, Sir." She smiles at Trade. Only at Trade!
Umismid ako. Sana ay hindi niya na lang ako sinama sa kanyang bati, it's obvious that she is only after my boyfriend.
Kumuha si Trade ng isang malaking cart at tinulak ito. Nauuna ako sa paglalakad. I am the one who's checking the items. Kada kuha ko sa mga produkto ay tatanungin ko siya kung ayos ba iyon.
"You like these?" Nilingon ko si Trade hawak ang mga cheese strips sa aking kamay.
He smiled showing his complete white teeth and nod.
Masaya kong hinagis sa cart ang mga iyon at nag-patuloy na sa paglalakad.
Sunod naming napuntahan ang meat section. Tumingin-tingin lamang ako dahil hindi na namin kailangan pang bumili ng mga iyon. I'm sure Mommy will cook something nice for lunch.
"Where do we go next?" I ask, while looking at the stalls.
Trade didn't answer me kaya huminto ako at nilingon siya, only to see him leaning at the end of the cart, holding his phone at tila kinukuhaan ako ng litrato.
Kumunot ang aking noo.
"What are you doing?" I hissed.
Ngumisi siya. "Say hi baby..."
I didn't obey what he said. Nagpa-meywang ako habang nakatitig sa kanya na ngiting-ngiti sa ginagawa.
"IG story 'to... say hi to my followers."