CHAPTER 4

2.1K 71 25
                                    

Dedicated to Ate Nica. :) love you

Eyes



I thank Architect Chua for finding an immediate suppliers for our site. Malaking tulong iyon since we have a deadline to comply.

Samantala, nai-padala na ng mga staffs ni Attorney Romualdez ang reklamo against Anton Alejandro.

Everyone in my team were shocked nang dumating ang papers. Ang akala yata nila ay hindi ko itutuloy ang kaso.

No.

When I utter it, I'll do it. Totoo ako sa aking sinabi na hindi ko iyon palalagpasin.

Hindi ako papasok sa opisina ngayon. We'll meet the new materials supplier sa mismong Teacher's Village upang mai-tuloy na agad ang paggawa. I just need to be there today para sa contract signing at turn over ng total expenses ng mga bagong suppliers .

Sinuot ko ang aking paboritong puting pants partnered with a white off shoulder as well. Ang itim na sinturon ay terno sa aking itim ding stilleto. The end of my hair was curled. Kilay at liptstick lamang ang nilagay ko sa aking mukha.

When I arrived at Teacher's Village ay naabutan ko agad ang pagpapa-tuloy ng trabaho ng mga manggagawa.

I smiled wickedly.

Sa wakas ay natuloy din. Nagkaroon man ng delay, aydalawang araw lamang. Thank God!

Panay ang bati sa akin ng mga trabahador habang naglalakad papunta sa kaliwang bahagi ng site kung nasaan ang quarters nina Engineer at Architect.

I can't wait to see and thank them for their efforts and initative. Hindi ko ata alam ang gagawin kung wala sila sa aking team.

Pagpasok ko ay naabutan ko ang dalawa doon.

Architect Chua is sitting on the aisle of the wooden rectangular brown table in the middle.

Si Lazarius naman na nasa kanyang kanang tabi ay agad na tumayo para hagkan ang aking pisngi.

"You look angelic in white." He laugh on my ears.

"Thanks." I smiled at him at agad nang naupo sa kanyang tabi.

Pansin ko ang mga naka-latag na papeles sa mesa. Mayroon ding isang itim na coat sa swivel chair sa harap ni Rius.

"Nandito na ang supplier?"

I mean their materials is obviously delivered. Nagpapatuloy na nga ang trabaho eh. What I mean is... one of their representative is here already?

"He's here... Kanina pang umaga." Sambit ni Rius.

"Ang mismong CEO ang nag-punta Summer. He wanted to make sure of their good products will be delivered."

"That's good." I commented. Mabuti at medyo mapagkakatiwalaan ang isang ito. It shows, since ang CEO mismo ang naninigurado sa serbisyong ibibigay nila.

"Kanina pa siyang alas sais dito. Lumabas lamang saglit para sunduin ang kanyang girlfriend. His girl is a chef in one of the restaurants here in Teacher's village." Dagdag pa ni Architect.

Mabagal akong tumango. I don't usually listen to love stories and romance pero dahil sa nagugustuhan ko ang bagong supplier ay mukhang nasa mood ako para doon.

Inusog ni Rius ang swivel chair niya at humarap sa akin. I can smell his manly perfume as it attacks my nose.

"Kumain ka?"

"Of course. You?"

"Di pa. Lunch?"

Tumango ako. I am free today since ito lang ang schedule ko sa buong araw. Later in the evening, I will party! Pero ayokong ipaalam kay Lazarius iyon dahil ayokong may kasama kapag nainom.

Still MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon