Bipolar
I woke up with a heavy head after I passed out.
Sinalubong ako agad ng kulay kahel na langit simbolo ng papalubog ng araw. Sinulyapan ko ang pintuan ng balcony ng aking suite at nakitang hinahangin ang mga kurtina nito papasok. The cold breeze of Tagaytay makes me lay down on my bed forever... para bang hinihila ako noon sa antok.
Tamad akong bumangon sa kama at kinapa ang aking telepono.
"Nasakin..." Isang pamilyar na boses ang nagsalita sa aking likod.
I was froze with his low and deep voice.
Lumingon ako only to see Trade sitting on the wooden chair beside my bed. Naka-dekwatro siya at nakatitig ng mariin sa akin. Namataan ko ang telepono ko sa kanyang kamay.
Dahil sa sama ng pakiramdam ko ngayon ay di ko na siya pinatulan pa at nakipag-away kung bakit pa siya nandito. Isa pa, I can perfectly recall what happened before I passed out. Naka-sandal ako kanina sa pintuan habang pinupunasan niya ang aking mga luha. That was after the competiti--- HOLY HELL!
THE COMPETITION!
"Fuck!" I cursed.
Pinalis ko agad ang naka-patong na kumot sa akin at marahas na hinablot kay Trade ang aking cellphone.
The screen lock says its 7:39 PM!
Shit ala sais ang contest!
"Naguumpisa na ba yung last part? Shit! Late na late na ko!"
"Patapos na..."
Nanatiling kalamadong naka-upo si Trade sa aking tabi habang ako ay natataranta na at naghahanap ng damit na pampalit.
Binagsak ko sa kama ang isang turtle neck dress pero hinablot iyon ni Trade at inilayo sa akin.
Tinignan ko siya. "Saan mo dadalhin yan?"
"Lay down Summer... The contest is about to end anytime soon. Una, hindi ka na aabot. Pangalawa, may sakit ka."
"Susunod ako dun. Hindi naman mataas ang---"
"39.7 celsius baby, tell me it's not."
Napatulala ako sa kanyang sinabi. He still call me that crap?
Slowly I feel the warm temperature inside my body. May sakit nga ako and yet I am here being so hard on myself. Pero hindi eh! I am one of the judges there! Hindi maaaring wala ako doon especially that is the last call of the competition!
Lumapit ako kay Trade at hinablot ang damit pero nakipag-agawan siya sa akin noon.
"Akin na. Bababa ako."
"I won't let you."
Hinigpitan ko lalo ang hatak pero malakas pa rin talaga siya. He is holding the other end of the dress na parang humahawak lamang ng isang lollipop. Damn!
"I need to be ther---"
"You need to rest. May sakit ka."
"I don't care!"
"Ako may pakealam ako!"
Lumambot ang aking pagkakahawak sa biglaan niyang pag-sigaw sa akin. Inilapit niya sa kanya ang aking damit at ibinalik iyon sa loob ng cabinet.
He is mad. I made him so mad. Again. My heart is melting with the warmth of his words.
That is one problem with Trade, his words are convincing... na kapag binitawan niya ay bumabaon sa iyong pagkatao... na hindi mo na malilimutan sa tanang buhay mo.