CHAPTER 5

1.8K 51 7
                                    

Restart Button






"Trade sige na please! Puntahan mo na yung conference sa Guam. Kailangan mo 'yon eh."

Nasa condo unit niya kami. Months after we graduate ay nag-enrol agad ako sa for masterals samantalang siya ay full-time CEO na talaga ng kanilang construction materials company.

They are actually doing good. Number 1 sila sa buong Pilipinas at mataas din ang rank sa world market. But the thing is... some of their board members doesn't trust him fully as the CEO. Tingin nila ay masyado pang bata si Trade para mamahala ng isang malaking negosyo.

"Ayoko baby. Malayo masyado... malayo sa'yo."

"Pwede naman tayong mag-skype eh. Tsaka sandali lang nama---"

"Anong sandali? 3 months? Are you kidding me?"

Padarag siyang pumasok sa banyo. Narinig ko na lang ang pagbukas ng kanyang shower.

These are the usual arguments we are having for the past days. Dahil sa usap-usapang pagde-desisyon ng board para sa kanya ay may possibility na ibaba siya ng pwesto. The board thinks he too young and lacks experiences when it comes to running the company.

Trade really needs to grace these trainings and conference para nang sa ganon ay mabawasan ang duda ng mga ito sa kanya. If not, he may lose it.

Paglabas ni Trade ng banyo ay nag-bihis lamang siya at pumasok agad sa balcony without noticing me.

His mood is changing... matagal ko na iyong napapansin. Simula pa noong naki-usap ako sa kanya na i-move ang kasal. I ask for two more years... makuha ko lang ang masters degree ko. Pumayag naman siya, but from then on ay naramdaman kong may nagbago. Sinabayan pa ng issue na ito sa kanilang kompanya.

His emotions is always at its high. Para siyang lalaging galit at napipikon kahit na sa mga simpleng sinasabi ko.

Pinababayaan ko na lang thinking that he is too stress at work. Paalis-alis din siya ng bansa para sa mga international engagements. Minsan ay aalis siya ng may tampuhan kami, which is very unusual.

Ayoko din naman siyang pinapaalis. Of course I want to be with him all the time. Pero ayoko ng ganito na ako lamang ang lagi niyang inaatupag kahit na may gusot sa trabaho niya.

He has lots of improvements to do. For his family. For the company and for himself.

Ayoko na habang nag-aaral ako ay hihintayin niya lang palagi ang tapos ng klase ko. Every weekends ay ibubuhos niya ang lahat ng kanyang oras sa akin. Tumatakas siya sa mga conference making him more incompetent in front of the board.

That's why I'm pushing him to attend his international engagements. I am pushing him to his best shot. Ayoko din namang mawala ang pinaghirapan niya ng ilang taon.

Sa mga sumunod na araw ay mas lumala ang tampuhan namin.

Sinundo niya ako galing sa school at walang umiimik saamin sa loob ng kotse.

"Galit ka ba sakin?"

"Hindi." Maagap niyang sagot.

Napatingin na lamang ako sa labas ng bintana. Papalubog pa lang ang araw pero bakit ang lamig-lamig na ng pakiramdam ko?

Tumunog ang telepono ni Trade na naka-connect sa kanyang stereo. He answers it.

("Nasaan ka?")

Isang matigas na ingles ang narinig ko mula sa kanyang Papa.

"Sinundo ko si Summer Pa... babalik---"

"Hindi mo tinapos ang meeting! Trade!!! Hinahanap ka ng mga tao dito!"

Still MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon