Bad Days
There's nothing more special than spending the night with the one who makes your life less lonely.
Matapos naming kitain ang mga wedding organizers ay nagpunta kami ni Trade sa isang fine dining restaurant somewhere in Antipolo.
The place is peaceful and solemn.
Liblib ito at napapalibutan ng iba't-ibang halaman. The cold breeze of the city and fresh air from the mountains added a majestic detail as well.
There's one gazebo in the middle with different colored dandelions surrounding it.
Mayroong naka-set na isang parisukat na mesa doon na may perpektong pagkakaayos mula sa disenyo hanggang sa mga pagkain.
My tummy automatically growl with the looks of the food.
Iginaya ako doon ni Trade kasama ng isang lalaking naka-puting uniporme at vest.
The gazebo looks perfectly fit with just two people. Para bang ginawa talaga ito para sa dalawang tao lamang.
"What can you say?" He ask while pouring our glasses with champagne.
Nanatili ang panunuri ko sa mga disenyo doon. Even the colorful little roots of the trees make me smile. Well especially the white dandelions. I'm wondering if we can have these on our wedding day.
"This place is nice. How did you know about this?"
"Internet... and also, ini-rekomenda ng isa kong empleyado."
Tumango ako.
"I am actually planning to have a place like this in our home."
Napatingin ako kay Trade. "Really?"
Nasabi niya na sa akin noon na mayroon ng nakahandang bahay sa amin, somewhere in Pasig. Hindi pa nga lang gawa kaya sa bahay muna nila sa Quezon City kami tutuloy pagtapos ng kasal.
"Ikaw ang mag-design..."
Naghalo ang saya at lungkot sa aking puso sa sinabi ni Trade.
Designing is my passion ever since.
Bata pa lamang ako ay hilig ko na ang paggawa ng iba't-ibang disenyo. I wasn't raised like a normal girl. Sa tuwing papasyal kami sa mall, amusement park or museum, binubusog ko ang aking mata sa mga disenyo ng lugar.
During vacations as well, mas mangha ako sa pinagmulan at gumawa ng mga nakikita ko.
Isang parte ng pagkatao ko ang gumuho ng kinailangan kong iwan ang aking pangarap.
Hindi ko alam kung ilang beses akong paulit-ulit na nag-desisyon sa bagay na iyon. At sa tuwing mangingibabaw ang desisyong iwanan ko ang pagdidisenyo ay iiyak lamang ako at pag-iisipan iyong muli.
Ngumiti ako ng mapait kay Trade.
He smiled as well.
"I know you always dream about this. Bakit hindi mo ituloy?"
"Huli na. Siguro... hindi talaga 'yon para sa'kin. Minahal ko na din naman kahit papaano ang negosyo."
Maybe... my life isn't about getting what I always want and that's okay.
Sometimes we have nothing but to accept that some things aren't meant for us.
Biglang tumayo si Trade kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya. He walk towards me and kneel down in front of me.
He hold my hand and kiss it once.
"I'm sorry... alam kong isa ako sa dahilan kung bakit kailangan mong iwan ang pagdidisenyo."