CHAPTER 28

2K 63 42
                                    

Multo





I made sure that the next days were tight for me.

Panay ang libang ko sa aking sarili para lamang makalimutan ang lahat nitong mga nakaraang araw.

I deleted Trade's number from my phone too... his call logs and messages. Gayunpaman ay patuloy pa rin ang pag-tetext at pag-tawag niya sa akin.

Takot ang bumalot sa akin sa sumunod na araw.

Maisip ko pa lamang na malayang nakaka-bisita dito si Trade ay nangingilabot na ako. It only means that he can go and comfront me here in the office anytime he wants.

Diretso ang lakad ko habang bumabati ang mga empleyado sa akin.

Inside the office ay nag-simula ako agad sa trabaho. With all that is happening now, I am still glad that I can finish some works of mine. Doon ay nararamdaman ko ang pagbabago ko kahit na paano.

When I returned home ay iilang text messages ang aking natanggap.

Rius:
Good evening :)

Agad akong nag-reply.

Me:
I'm home. Are you?

Sa thread ng mga messages ay bumungad ang mensahe mula sa isang unregistered number.

Kinabahan agad ako.

It's not that I memorize his digits, pero alam ko kahit papaano ang unang apat na numero niya.

From 09169958788:
Hey...

I'm sorry may naggawa ba ko?

I immediately delete those texts of him. Wala na iyong silbi pa sa aking buhay. If I wanted to move on, I should learn proper discipline. Hindi iyong sasabihin ko lang tapos hindi ko naman kayang panindigan.

Kinaumagahan ay sinundo ako ni Rius sa condo. He'll have this seminar in Batangas kaya aalis din siya agad. The only time that is left on us is breakfast.

Pumasok kami sa i-Hop sa may Glorietta at doon napag-pasyahang mag-almusal.

"Pancakes and syrup." Sabi ko.

"Yun lang?"

I nod. "Hindi ako gutom."

"Breakfast should have the biggest space on your digestion. Let's eat more."

Nag-order siya ng dalawang set of heavy breakfast. Pancakes, french toast, bacon, eggs, lime, lahat ata andito na! Bakit kaya lahat ng lalaking nakikilala ko ay matitigas ang ulo?

Oh cut that!

Habang nakain ay panay ang vibrate ng telepono sa aking bag. I keep on taking glance on it pero hindi ko nilalabas.

"Why don't you check?" Rius asked.

Sakto ang isang beses pang pag-tunog nito. I was forced to see my phone then.

The screen says I have recieved 12 messages.

What the hell! Twelve? Is that even serious!

Mula iyon sa ka-pareha pa ding numero.

From 09169958788:
I miss you...

Damn. I really do.

Summer?

Summer Lionelle?

Aquinas?

Baby please reply...

Still MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon