CHAPTER 43

1.9K 52 17
                                    

Dedicated to my Christine Marcelo... my baby girl. Advance happy birthday bebe, I'm so proud of you and I'm sure your Papa as well. Smile baby girl, I love you!










Tangina










"I have an offer abroad..."

Nakatingin ako kay Rius habang hawak-hawak niya ang aking kamay. We remained sitting on the bench after the talk.

"Saan?"

"Milan..."

Lumundag ang puso ko para sa kasiyahan sa kanyang tagumpay. He always wants this, to travel for work and achieved his dreams as an architect.

"Congrats... kailan ang alis mo?"

"Don't worry..." Rius pinch my nose and smile. "Tatapusin ko ang kontrata ko sa kompanya mo Miss CEO."

"You should be, kakasuhan kita kapag hindi."

Tumawa kaming pareho ng mahina at bahagyang napa-yuko. 

Sa isang iglap ay tila bumalik kami sa dating kami. Iyong nag-aasaran, tawanan at biruan... today's closure brings so much memories from the past and I'm glad that we enclosed that part of our lives already. Naisara upang magbukas ulit ng bagong yugto.

Sa gitna ng gabi ay tumawag si Trade, saying they're done talking. He asked me kung nasaan ako pero ako na ang nagsabing pupunta sa kung nasaan sila.

"Nasa lower lobby siya..."

"Ihahatid na kita bago ako umuwi." Rius offered na hindi ko naman tinanggihan.

Tinungo namin ang lugar na iyon. I saw Trade sitting on one of the couch there. Tulala siyang nakatitig sa kanyang sapatos habang kinakalabit ang mga daliri.

Kinabahan ako agad sa kanyang itsura. Seems like something bad happened.

Nawala ang tingin ko kay Trade nang maramdam ko ang mainit na palad ni Rius sa aking kamay.

"Let's go?"

Wala sa sarili akong tumango. He pulled me to walk towards where Trade is sitting. Bawat hakbang ko ay mabigat sa aking pakiramdam. Nakaka-kaba na makita siyang ganito at malaman ang naging desisyon ng aking pamilya patungkol sa amin.

When we reach him, Trade's head automatically rise up and saw us. Mula sa akin ay lumipat ang mata niya kay Rius. He stand up and tower me, the both of them with me at the center.

"Trade..." Agad kong pigil sa kanya.

Bumaba ang mata niya sa kamay naming magkahawak at agad na inagaw ang kamay ko mula doon.

Rius chuckled na agad kong binalingan. "Rai no please..."

Ang hirap ng ganito. They're both important to me, ayokong may tensyon sa pagitan ng dalawang taong mahalaga sa aking buhay.

Still MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon